Connect with us

Stories

‘Nalubog kami nu’n sa Utang’ Francine Diaz, Ibinahagi ang Hirap na Naranasan ng kanyang Pamilya Bago paman Sumikat sa Pag-aartista, Napilitang Magtrabaho sa Edad na 14

Isa sa mga pinaka sikat na teen star ngayong henerasyon ay si Francine Diaz, mas minahal sya ng masa simula noong lumabas sya sa telebisyon bilang karakter sa likod ni Cassandra Mondragon o Cassie ng teleserye hit ng Kapamilya Network na Kadenang Ginto. Nakitaan si Francine ng galing sa pag-arte kaya naman napakarami ang humanga at minahal ang karakter niya sa nasabing teleserye.

Photo credits: Francine Diaz | IG

Ngunit bago paman sumikat si Francine at natamasa ang tagumpay ngayon ay sangkatutak naman na hirap at pagsubok ang kanyang pinagdaanan bago maabot ang tagumpay. Bata palang si Francine ay breadwinner na sya ng pamilya.

Kwento ni Francine na, naransan nila ng kanyang pamilya na mapalayas sa inuupang bahay dahil umabot diumano sila sa puntong wala na silang maibayad sa buwanang renta.

Photo credits: Francine Diaz | IG

Ayon nga kay Francine, sa hirap ng buhay nila noon, ay naranasan nila ng kanyang pamilya ang mapalayas sa inuupahang bahay dahil wala umano silang pambayad sa buwanang renta. Maliban pa dito ay madalas din umano sila makaranas na maputulan ng tubig at kuryente. Baon din sa utang  ang kanyang mga magulang dahil sa patong patong na gastusin at pangangailangan nilang pamilya.

Photo credits: Francine Diaz | IG

“Nalubog kami nu’n sa utang. Palagi kami napuputulan ng kuryente, ng tubig. Tapos nakailang lipat din po kami ng bahay kasi napapalayas kami. Pero hindi naman po ‘yung pinalalayas na pinalalabas kami bigla ng bahay. Kumbaga, pinapaalis kami kasi hindi na talaga kayang bayaran ‘yung renta”

Kahit ang pag-aaral ng aktres ay naapektohan na kahit ulit mong pambili ng libro ay hindi sya makabili dahil sa kapus ang kanyang mga magulang.

14 taon gulang noon si Francine ng sumubok pasokin ang pag-aartista at umaasang maiahon niya ang kanyang pamilya sa hirap at makabangon sa patong patong na utang. Bata palang si Francine ay pangarap niya na talaga ang maging artista.

“Nu’ng mga time na ‘yun nasa isip ko kailangan ko ng trabaho, kailangan kong matulungan sina mama. Dati ko pa po talaga gusto mag-artista”

Photo credits: Francine Diaz | IG

At nagsimula nga ang karera ng aktres sa showbiz bilang extra sa isang TV commercial ng AVP para sa isang kompanya ng kotse. Samantala, masayang-masaya naman si Francine dahil sa unang pagkakataon ay nabili niya ang nais para sa sarili mula sa kanyang sahod.

May mensahe naman ang aktres para pitong taong gulang na sarili na ienjoy lamang ang buhay habang bata pa. Ito nga ang pinanghugutan ng aktres sa buhay upang matupad ang kanyang mga pangarap.

“Dear seven-year-old Francine, i-enjoy mo lang ang pagkabata mo. I am very proud of you dahil alam kong ganyan palang ang age mo, alom kong nagta-try ka talaga na maging better sa mga bagay na hindi ka magaling.”

error: Content is protected !!