Manny Pacquiao, Nais din Iparanas sa mga Anak ang Hirap ng Buhay Upang Hindi Umano ito Lumaki na mga Matapobre Balang Araw

Nasaksihan na ng madla ang buhay na pinagmulan ng tinaguriang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao. Isang buhay na mula sa mahirap na pamilya, ngunit matapos niyang magsumikap, at ipamalas ang husay sa loob ng ring ay nakamit niya ang tagumpay para sa kanyang pamilya.

Naiahon nga ni Manny ang kanyang pamilya sa hirap ng buhay na kanilang kinagisnan dahil sa kanyang sakripisyong mula sa kanyang pawis at dugo sa hirap na kanyang pinagdaanan.. At ngayon nga, ay kitang-kita naman sa buhay ng kanyang nabuong pamilya, ang isang marangyang pamumuhay. Isa na nga ngayon ang pamilya Pacquiao sa kinikilala sa bansa bilang pinakamayamang pamilya.

Photo credits: google.com

Dahil nga sa matinding disiplina, determinasyon, at sipag ng Pambansang Kamao, na sinamahan ng matinding pagtitiwala sa Maykapal, ang tagumpay na kanyang hinahangad ay tinatamasa na ngayon ng kanilang pamilya.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Ngunit, hindi lamang ito ang kahanga-hanga sa Pambansang Kamao, dahil pagdating sa prinsipyo at pananaw sa buhay, gaya na lamang sa pagpapalaki ng mga anak, ay hahangaan rin siya.

Isa ngang mabuting ama si Manny sa kanyang mga anak na ang nais ay lumaki ang mga ito ng maayos at mabubuting mamamayan. Sa kabila ng marangyang pamumuhay, ay nais ni Manny na mamulat ang mga mata ng kanyang mga anak sa simpleng pamumuhay nang sagayon, ay hindi sila lumaking mga matapobre.

Ayon nga kay Manny, ay mahalaga na matutunan at maranasan ng kanyang mga anak ang hirap ng buhay, para maging mapagkumbaba, may respeto sa kapwa, at maging matulungin sa mga nangangailangan.

Photo credits: google.com

Pagbabahagi pa ng Pambansang Kamao, kahit umano may sariling kasambahay na sila sa kanilang tahanan, ay tinuturan parin nila ng kanyang asawang si Jinkee Pacquiao ng mga gawaing bahay ang kanilang mga anak.

Photo credits: google.com

Maliban rito, ay minsan na ring ibinahagi ni Manny na pinag-aral nila ang kanilang mga anak sa General Santos City sa isang pampublikong eskwelahan kung saan ay walang aircon. Ito nga ay upang malaman ng kanilang mga anak ang hirap ng buhay, at maranasan ang maging isang simpleng estudyante at maging kontento sa kung anong meron sila.

Photo credits: google.com

At makikita naman na ang paraan ng pagpalalaki ni Manny at Jinkee sa kanilang mga anak ay epektibo. Sa katunayan nga nito, ay napakahumble, at may mabubuting puso ang kanilang mga anak kahit na marangya ang nakagisnang pamumuhay. Kaya naman, bilang mga magulang ay talagang proud na proud sina Manny at Jinkee na napalaki nilang maayos ang kanilang mga anak, at hindi matapobre.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *