Connect with us

Entertainment

Nagcelebrate ng 10 years Friendsary ang Magkakaibigan na “Mara Clara” Stars na sina Kathryn Bernardo, Julia Montes at Dimples Romana

Isa ang Kapamilya remake drama series na “Mara Clara” ang tumatak sa maraming manonood. Dahil na rin sa mga magagaling na aktor at aktres na naging bahagi nito at tatlo nga sa mga karakter nito ang pinagbidahan nila Kathryn Bernardo at Julia Montes. Sa kanilang galing sa pag-arte marami ang tumangkilik sa kanilang mga ginampanang mga karakter. Kaya naman talagang minahal ito ng maraming manonood.

Pagkalipas ng 10 taon nilang pagkakaibigan, muling nagsama-sama ang “Mara Clara” stars. Dahil sa kanilang nag-hit na drama serye ay mas lalong tumibay ang pagkakaibigan nila Kathryn at Julia kasama ang kanilang co-star na si Dimples Romana. Ibinahagi ni Dimples Romana sa kanyang Instagram, ang kanilang muling pagsasama upang magdiwang ng kanilang 10th year anniversary of friendship kasama ang naging writer ng “Mara Clara” na si Danica Mae Domingo.

Credits: Julia Montes | Instagram

Sila ay nagcelebrate ng kanilang ika-10 taong pagkakaibigan simula nung umire ang “Mara Clara”. Sa kanilang magkakahiwalay na mga post sa kanilang mga Instagram, ay masaya nilang ibinahagi ang muli nilang pagkikita. Sa larawan na post ni Julia sa kanyang Instagram na may caption na, “More than 10 yrs of friendship love you girls @bernardokath @dimpleromana @danix8”, kitang-kita ang saya sa kanilang mga mukha.

Sa isa rin post ni Dimples na may caption na, “Sisters From a friendship that began a decade ago in Mara Clara (shoutout to all the amaaaazing fans who still, up to this day, tag me clips and photos ) to baking classes, wellness trips, to dinners at home, unli chika, food trips and road trips, so glad I get you call, my sisters”, labis namang nagpapasalamat ang aktres sa kanilang 10 years “gift of friendship”.

Credits: Dimples Romana | Instagram

Dahil sa kani-kanilang mga hectic schedule bibihira na lang silang magkasama upang magbonding. Ngunit kapag sila naman ay nakakapag-bonding, ay talagang sinusulit nila ang kanilang oras na sila ay magkakasama. Ayon pa sa writer nilang si Danica, “tuhog get together” nga daw ang kanilang pagsasamang magkaibigan dahil sa tuwing may pagdiriwang lang sila nagkakasama ng matagal.

“We call this our tuhog get together, happy birthday, merry christmas, happy new year… happy [valentine’s] day na din. ito yung get together na todo ang usapan na dadalin na food great see you girls!”, aniya.

Credits: Dimples Romana | Instagram

Kaya naman ang kanilang mga fans ay labis din nasiyahan sa muling pagkikita ng kanilang mga idolo upang magdiwang ng kanilang 10 years friendsary. Tunay ngang dahil sa kanilang matatag na pagkakaibigan ay mas lalo silang minamahal ng kanilang mga fans. Ang tunay na pagkakaibigan ay hindi nasusukat sa tagal ng panahon, kundi sa kung paano nagkakasundo ang bawat isa sa kabila ng magkakaiba nilang takbo sa buhay.

error: Content is protected !!