Miss Universe 1993 Dayanara Torres, Ibinahagi ang kanyang Mabigat na Pinagdadanan sa Kanyang Buhay “I have put everything in God’s hands”

Nakilala niyo pa ba ang napaka-gandang si Dayanara Torres? Siya ang dating Miss Universe 1993, marami ang humanga sa kanyang taglay na kagandahan at talento. Si Dayanara ay isang Puerto Rican actress na may mala-diyosa ang kagandahan at may nakaka-akit na mga mata. Siya ay kinoranahang bilang Miss Universe nang pumunta siya rito sa Pilipinas.

Dahil sa ganda ng Pilipinas, nanatili si Dayanara sa Pilipinas sa loob ng 5 taon. At sa kanyang pananatili, ay naging bahagi siya ng Philippine showbusiness at naging isang mahusay na aktres. Nagkaroon si Danayara ng maraming opportunidad sa Philippine showbiz, kagaya na lamang ng siya ay napabilang sa mga pelikula, teleserye, sitcoms at naging isang product endorser. Na katambal rin niya ang isa sa mga batikang aktor na si Aga Mulach na kanya ring naging real-life boyfriend sa loob ng 4 na taon.

Sa kabilang banda, marami ang nagulat sa kanyang naging kalagayan ngayon. Dahil napabalitang siya ay na-diagnosed ng may ‘skin c ancer melanoma’. Ito ang uri ng sakit sa balat na kadalasang nagmumula sa mga nunal. Ang melanoma ang isang uri ng skin-producing cell pigment na tanging nagbibigay ng kulay sa ating balat. Ayon sa beauty queen, ito ay isang nunal na nagsimula lamang sa likod ng kanyang tuhod na kanyang hindi pinansin at pinabayaan hanggang sa kumalat ito at naging skin cncer melanoma.

Photo credits: Dayanara Torres | IG

Photo credits: Dayanara Torres | IG

“Today I have some sad news… I have been diagnosed with skin c ancer “melanoma” from a big spot/mole I never paid attention to, even though it was new, it had been growing for years & had an uneven surface,” pahayag pa ni Dayanara

Ibinahagi niya sa kanyang social media, ang tunay na kalagayan ng kanyang kalusugan. Sa kabila ng kanyang pinagdadaanang pagsubok ngayon, ay patuloy pa ring siyang lumalaban para sa kanyang pamilya higit sa lahat para sa kanyang dalawang anak na sina Cristian Anthony Muñiz at Ryan Anthony Muñiz.

Sa kanyang nararanasan ngayon, nagbigay rin ng payo sa mga netizen na dapat ay pangalagaan ang sarili. Dagdag pa ni Dayanara, na mas maiging magpatingin agad kung may nararamdam na hindi maganda sa katawan at huwag itong ipagsawalang bahala.

Photo credits: Dayanara Torres | IG

“PLEASE, never forget to take care of yourself. If you see something or feel something different in your body have it checked”, wika pa ng aktres.

Photo credits: Dayanara Torres | IG

Sa laban ng kanyang buhay ngayon, ay ipinapasa-Diyos niya lamang ito at kailanman man ay hindi siya susuko. “I have put everything in God’s hands & I know he has all control… My sons although a bit scared know about my faith and know they have a warrior of a mommy!” Naniniwala siyang hindi siya nito pababayaan para makapiling pa niya ng matagal ang kanyang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *