‘Mga Cute Kahit Tulog’ Silipin ang mga Sikat na Celebrities na ito na Na-ispotan ng Kamera Habang Mahimbing na Natutulog

Ang pagiging isang artista ay hindi madaling trabaho dahil puyat at pagod ang kanilang kalaban upang maging matagumpay lamang ang kanilang ginagawang mga teleserye at pelikula. Sa kabila ng kanilang hectic na mga schedule, ay nakakaramdam din sila ng pagod kung kaya’t hindi maiwasan na sila ay makatulog pagkatapos ng kanilang mga taping. Iyon ang dahilan kung bakit tuwing may pagkakataon ay nakakatulog sila sa trabaho. Gayunpaman, nanatili pa rin ang kanilang kagandahan at kagwapuhan.

Narito ang ilan sa mga celebrities na nakuhaan ng larawan habang sila ay mahimbing na natutulog.

1. JM De Guzman

Maituturing si JM na isang mahusay na aktor dahil sa angking galing nito sa pag-arte lalo pa’t ang isa sa mga tumatak niyang teleserye ay ang “Pamilya ko”. Sa kabila ng puyat at pagod hindi maiwasan ng aktor ang makatulog kahit sandali. Kitang-kita pa rin ang kanyang kagwapuhan.

Photo credits: google.com 

2. Vice Ganda

Si Vice ay ang Unkabogable star ng star magic, sa dami ng kanyang mga tv projects ay hindi na niya magawa ang magpahinga. Kaya naman, minsan ay naaaktuhan itong umiidlip sandali upang kahit papaano siya ay makapagpahinga. Kahit ang kanyang mga co-host sa “It’s Showtime” ay nahuhuli rin ng kanilang kamera na natutulog sandali.

Photo credits: google.com 

3. Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

Ang celebrity couple na ito na kahit sa puyat at pagod ay magkasama pa rin. Makikita pa rin sa kanilang dalawa na kahit sa pagtulog ay sweet pa rin sila sa isa’t isa.

Photo credits: google.com 

Photo credits: google.com 

4. Billy Crawford at Coleen Garcia

Kahit ang mag-asawang Billy at Coleen, makikita pa rin ang kanilang kasweetan sa isa’t isa kahit sa pagtulog ng mga ito.

Photo credits: google.com 

Photo credits: google.com 

5. Liza Soberano

Kitang-kita pa rin sa mukha ni Liza ang kanyang maamong mukha na may taglay na kagandahan. Na kahit natutulog ay hindi nababawasan ang kanyang ganda na animo’y si Sleeping Beauty lamang na nag-aantay na gisingin ng kanyang prince charming.

Photo credits: google.com 

6. Sarah Geronimo

Ang Popstar Royalty na si Sarah G. ay tila napapagod din sa kanyang ginagawang mga agaw hiningang pagkanta at kanyang mga taping. Kaya hindi maiwasan na siya ay nakakatulog upang kahit paano siya magkaroon ng saglit na pahinga.

Photo credits: google.com 

Maging ang ibang mga nag-gagandahan mga Kapamilya aktres kagaya na lamang nila Erich Gonzales, Janella Salvador, Alex Gonzaga, Andrea Brillantes, Sofia Andres, Mariel Rodriguez at Julia Baretto. Sila ay naaaktuhang ring natutulog dahil kinakailangan nilang magkaroon ng isang beauty rest kahit sa pamamagitan ng pag-idlip lamang.

Photo credits: google / Erich Gonzales

Photo credits: google / Janella Salvador

Photo credits: google / Alex Gonzaga

Photo credits: google / Marielle Padilla

Photo credits: google / Sofia Andres

At siyempre hindi rin papahuli ang ibang nag-gagwapuhang mga hunk Kapamilya aktor na sina Piolo Pascual, Gerald Anderson, Sam Milby, Xian Lim, Zanjoe Marudo, Enchong Dee at Luis Manzano.

Photo credits: google.com / Luis Manzano

Photo credits: google.com / Xian Lim

Photo credits: google.com / Zanjo Marudo

Photo credits: google.com / Gerald Anderson

Kahit sila ay may matitipunong katawan ay nakakaramdam rin sila na pagod kung kaya’t ito ay idinadaan nila sa sandaling pagtulog upang mabawi ang kulang na oras nila sa pagtulog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *