Masayang Ibinahagi ng Aktor na si Zoren Legaspi ang Kanyang Pagiging New member ng Highway Patrol Group

Ang dating matinee idol at aktor na Zoren Legaspi, ay kilalang-kilala na sa kanyang galing sa pag-arte. Sa tagal niya sa industriya ng entertainment at pelikula maraming mga manonood ang talaga nga namang humanga sa kanya. Hindi rin maikakaila ang kagwapuhan ni Zoren kahit may edad na ito. Hindi lang din ang galing sa pag-arte ang pinatunayan ngayon ni Zoren.

Dahil kamakailan lamang ay proud na ibinahagi ni Zoren ang kanyang pagiging bagong miyembro ng HPG o ang tinatawag na Highway Patrol Group. Masaya si Zoren at ang kanyang pamilya sa kanyang bagong career. Ngayon, isa na siya sa mga taong nagpapanatili ng kaayusan ng batas-trapiko sa mga kalsada.

Ipinakita ni Zoren ang kanyang galing sa pagmomotor nang escortan niya ang kanyang pamilya papunta sa kanilang resthouse sa Batangas City. Ito ay kanyang ibinahagi sa isang episode ng show ng “Sarap, Di Ba”? ng GMANetwork youtube.

Credits: Zoren Legazpi | Instagram

Sobrang proud si Zoren sa pagsusuot niya ng kanyang uniporme ng HPG dahil talagang ginampanan niya ang kanyang tungkuling panatilihing maging maayos ang daloy ng trapiko sa kalsada. Ayon pa kay Zoren, excited siya sa kanyang pagiging HPG dahil isa sa mga tungkulin niya ang agarang rumesponde sa mga aksidente sa kalsada.

Dagdag pa ni Zoren, hindi naging madali ang kanyang pagpasok sa grupo ng mga HPG. Dahil bibihira lamang ang nabibigyan ng pagkakataon upang mapabilang at maging isang tagapangalaga ng mga batas-trapiko sa kalsada.

Credits: Zoren Legazpi | Instagram

Kaya naman kanyang pinatunayan sa mga taong nagsasabing na peke ang kanyang suot na uniporme. Aniya ni Zoren, “Akala nila peke ito. Pinaghirapan ko ito, hon”.

“Yung mga civilian, hindi basta-basta nakaka-penetrate doon, sa mga selected civilian lang ‘yung maaari. Ako ang isa sa mga lucky civilian na napasama sa grupo kaya pinaghirapan ko ito,” pagbabahagi pa ni Zoren.

Credits: Zoren Legazpi | Instagram

Paglilinaw naman ng kanyang asawang si Carmina Villaroel, ay talagang totoong sumabak ang kanyang asawa sa matinding training upang maging miyembro lamang ng Highway Patrol Group. “Si tatay po ay… nag-training ka for HPG,” ika ni Carmina. Masaya namang binati ni Carmina ang naging achievement ngayon ng kanyang asawa. “Congratulations to him dahil talagang like he said, pinaghirapan talaga na niya ‘yan”, dagdag pa ni Carmina.

Credits: Zoren Legazpi | Instagram

Kaya naman nag-celebrate ang pamilya Legaspi sa pamamagitang ng kanilang summer getaway sa kanilang resthouse sa Batangas City. Kaya’t sinulit nila ang kanilang masayang bonding bago sila sumabak sa kanya-kanya nilang mga career.