Mary Pacquiao, Ipinasilip ang Masayang Bonding ng Kanyang Pamilya Habang Kumakain ng Dinner, Sumalang rin sa Q and A ang kanilang Pamilya

Masasabi nga na ang pamilya Pacquiao ay isa sa inspirasyon at hinahangaan ng pamilyang Pilipino pagdating sa kanilang masayang samahan at pamilyang puno ng pagmamahalan. Hinahangaan rin ng publiko ang paraan ng pagpalalaki ng Pambansang Kamao at Senador na si Manny Pacquiao sa kanyang mga anak.

Sa tulong rin ng kanyang asawang si Jinkee Pacquiao, ay mas lalo namang nahuhubog ang magandang katangian ng kanilang mga anak, lalo na pagdating sa kabutihang asal. Kaya naman, makikita na napakasaya ng kanilang pamilya.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | IG

Sa latest vlog ni Mary Divine Pacquiao o kilala rin bilang Princess, ay ibinahagi niya ang masayang bonding ng kanyang pamilya habang kumakain. Isa nga sa talagang bonding ng bawat pamilya, ang nagkikwentuhan habang kumakain ng magkasalo sa hapag kainan.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | IG

At sa video nga ni Princess, mapapanood kung gaano kasaya ang kanilang pamilya. Sa nasabing vlog rin ay sinagot ni Princess at ng kanyang pamilya ang mga katanungan ng mga netizens. Ilan lamang nga sa mga naging katanungan ay kung kamusta ang kanilang pamilya ngayong panahon ng quaratine. Kasagutan naman nila, ay masaya sila kahit na nakaquarantine dahil kasama nila ang kanilang pamilya. At kahit nasa loob ng bahay ay marami silang naiisip na bagay na maaaring mapaglibangan.

Kapansin-pansin naman na napakasimple ni Sen. Manny, dahil nakakamay ito habang kumakain. Kompletong dumalo sa hapag ang kanilang pamilya upang kumain maliban na lamang kay Michael na kalagitnaan na ng hapunan, nang sumalo sa hapag kainan.

May tanong rin kung ano ang paboritong ulam ng bawat isa. Agad namang sumagot si Jinkee ng ‘adobo’. Mapag-usapan rin kung ano ang sodiac sign ng bawat isa. At para naman sa paboritong bonding ng kanilang pamilya, ay ang dinner ang kanilang kasagutan. Dahil nga, sama-sama silang kumakain habang nagkikwentuhan.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | IG

Isa namang netizen ang nagtanong kung ano ang maaaring gawin sa loob ng isang araw, at sagot ni Sen. Manny ay magbasa ng Bible. Isang katanungan rin ang patungkol sa paboritong hobby ng bawat isa. Pabiro naman ngang sumagot si Sen. Manny, na alam raw niya ang paboritong hobby ng kanyang mga anak, ang mag-cellphone.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | IG

Ang kanilang dinner nga ay napuno ng tawanan, habang kumakain na talagang makikita ang masaya nilang bonding. Dahil naman sa Q and A para sa kanilang pamilya ay mas lalo pang nakilala ng kanilang mga tagahanga ang pamilya Pacquiao.

Q&A WITH MY FAMILY! | Mary Pacquiao and Family |

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *