Mary Pacquiao, Ipinasilip ang Closet Nila ng Kanyang Kapatid na si Queenie sa Pamamagitan ng Isang Virtual Tour

Kinaaliwan ng marami ang ibinahaging video ni Mary Pacquiao sa kanyang YouTube channel nito lamang nakaraan, kung saan nga ay kumasa siya sa ipinagawa sa kanya na 24-Hour Tagalog Challenge.

Sa challenge na ito, ay kinakailangan ni Mary na magsalita at makipag-usap gamit lamang ang wikang tagalog sa loob ng 24-oras. At aminado nga ang dalagang anak ni Manny Paquiao, na hindi madali sa kanya ang naturang challenge dahil hindi siya matatas o magaling sa pagsasalita ng wikang Tagalog o Bisaya man na kadalasan ngang ginagamit na wika ng kanilang mga magulang.

Samantala, kahit nga hirap sa pagsasalita ng Tagalog ay ginawa ni Mary ang kanyang makakayanan upang mapagtagumpayan na matapos ang kanyang 24-oras na Tagalog Challenge, kung saan kasabay nito ay ibinahagi pa niya sa kanyang YouTube channel ang silid nila ng kanyang kapatid na si Queenie at ang kanilang closet.

Marami naman ang napakapansin sa vlog na ito ng dalaga ng pagiging isang mabait nitong anak, dahil maging sa mga kasambahay nila sa pamamahay ay mayroon itong galang kung makipag-usap. Dahil nga dito, ay mas humanga pa ang mga netizens sa kanyang mga magulang, dahil sa kabila ng kanilang karangyaan ay napalaki sila ng mga ito na mabubuti sa kanilang kapwa.

Ayon naman kay Mary, hindi niya ipinakita ang iba pang bahagi ng kanilang bahay dahil sa ang kanyang ina ng si Jinkee Pacquiao ang magbabahagi nito sa pamamagitan ng virtual house tour na maari ngang mapanood sa YouTube channel nito.

Si Mary Pacquiao ay ang panganay na babaeng anak ng mag-asawang Jinkee at Manny Pacquaio. Ang kanya ngang ama na si Manny ay kilala at popular bilang isang mahusay na boksingero sa buong mundo dahil sa ilang beses na pagiging kampeon nito sa boksing local man o internasyonal.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami sa atin, na si Manny Pacquaio ay nagmula sa isang kapos na pamilya, at naging matagumpay sa buhay dahil sa kanyang naging pagsusumikap sa larangan ng boksing kaya naman ngayon ay nabigyan niya ng maganda at masaganang buhay ang kanyang pamilya.

Nakakabilib naman ang naging pagpapalaki niya sa kanyang mga anak, dahil sa nakita nga natin sa anak niyang si Mary, at sa mga kapatid nito na napalaki silang mabubuti ng kanilang mga magulang sa kabila ng kanilang karangyaan na tinatamasa ngayon.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *