Connect with us

Entertainment

Mangingisda Hindi Nakaranas na Makapagtapos, Ngunit Naitawid ang Pag-aaral ng mga Anak na Nakapagtapos ng Puro Cum Laude

Bilang isang magulang, ginagawa nila ang lahat upang maitaguyod lamang ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak. Isa na rito ay ang pag-aaral, isang tagumpay na maituturing para sa isang magulang na makitang maging matagumpay ang kanilang mga anak sa hinaharap. Katulad na lamang ng kwentong ito, na magpapamulat sa atin na ang kahirapan kailanman ay hindi magiging hadlang upang magkaroon ng kaginhawaan sa buhay.

Kilalanin natin si tatay Ramil Montalbo, siya ay isang mangingisda na taga Iloilo City. Sa hirap ng buhay, tanging ang pangingisda lamang ang kanyang hanapbuhay upang maitaguyod ang pag-aaral ng kanyang tatlong anak. Ayon kay tatay Ramil, hindi raw siya nakatapos ng pag-aaral kaya hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na magkaroon ng magandang buhay. Isa sa mga pangarap noon ni tatay Ramil ay ang maging isang sundalo, ngunit hindi niya ito nakamit dahil sobrang kapos sila sa buhay.

Isa rin sa mga dahilan kung bakit natigil si tatay Ramil sa pag-aaral dahil hindi umano payag ang kanyang mga magulang na siya ay magpatuloy sa pag-aaral. Dahil nanahati raw ang kita ng kanyang mga magulang mula sa pangingisda sa mga gastusin ng kanilang mga pangangailangan sa araw-araw.

Dagdag pa niya, madalas raw silang mag-away ng kanyang mga magulang dahil sa kagustuhan nilang huminto siya sa pag-aaral. Kaya naman napag-desisyunan niya na lamang na tumigil na lang sa pag-aaral at tumulong na lamang sa kanyang mga magulang sa pagha-hanapbuhay.

Dahil sa kanyang naging karanasan, ipinangako niya sa kanyang sarili na kapag dumating araw na magkaroon na siya ng kanyang sariling pamilya ay gagawin niya ang lahat upang matugunan ang mga pangangailangan ng kanyang mga anak. Sa kanyang pagsusumikap at pagsisipag sa pagha-hanapbuhay kahit isa lamang siyang mangingisda ay napagtapos niya ang kanyang tatlong mga anak sa kolehiyo na parehong award na Cum Laude. Ito ang naisukli sa kanya ng kanyang mga anak para sa lahat ng kanyang pagsusumikap na makapagtapos ang mga ito.

Labis ang naging kasiyahan ni tatay Ramil dahil nagbunga ng maganda ang kanyang mga sakripisyo. Isa na itong malaking tagumpay para sa kanya bilang isang ama, dahil hindi man niya naranasan ang makapagtapos ng pag-aaral naibigay niya naman ang pagkakataong ito sa kanyang mga anak.

Maraming mga netizens ang humanga kay tatay Ramil sa kabila ng kanilang kahirapan at naranasan sa buhay, hindi niya kinaligtaang bigyan ng magandang buhay ang kanyang mga anak. Na hindi niya ipinaranas sa kanyang mga anak ang kanyang naranasan na hindi makapagtapos ng pag-aaral.

Kaya marami ang mga taong sumaludo at pumuri sa kanyang pagiging isang mabuting ama.

“Yan ang responsableng ama ng tahanan at ulirang mamamayan at asawa tap yourself in the back and jobwell done tatay”.
“Congratulations po Sir at sa mga anak na ginawa nila ang kanilang magulang na “proud parent” Godbless po”.
“Congrats sa tatay na masikap at sa mga anak na nagbigay ng halaga sa pagsusumikap ng kanilang ama”…

Kudo’s sa iyo tatay Ramil! nawa’y marami pang magulang ang maging kagaya mo

error: Content is protected !!