Mag-Asawang Vic Sotto at Pauleen Luna Kasama ang Anak Nilang si Baby Tali, Maagang Nag-Summer Vacation sa Baguio

Unti-unti na nating nararamdaman ang init ng panahon, na nagpapahiwatig nga sa ating lahat na papalapit na ang tag-init o ‘summer’, kaya naman panigurado na sa ganitong panahon ay marami na naman ang dadayo sa isa sa mga ‘tourist spot’ ng ating bansa, na dinarayo tuwing tag-init dahil sa pagkakaroon nito ng malamig na klima, at ito nga ay walang iba kundi ang Baguio City o tinaguriang ‘City of Pines.’

Credits: Marie Pauleen Luna Sotto | Instagram

Tunay na maraming mga bakasyunista at turista ang dumarayo sa nasabing lugar, dahil maliban sa pagkakaroon nito ng malamig na klima, ay nagtataglay rin ito ng magagandang tanawin na kapag nasilayan ng iyong mga mata ay panibagong mare-relaks ka.

Samantala, tila naman nauna ng mag-summer vacation ang pamilya nina Vic Sotto at Pauleen Luna, dahil nito lamang nakaraan ay nagbahagi ang mag-asawa ng kanilang masayang bakasyon sa at quality time sa Baguio.

Credits: Marie Pauleen Luna Sotto | Instagram

Makikita naman sa mga larawan ng magpamilya na talaga namang nag-enjoy sila sa naging bakasyon nila sa Baguio, lalo na nga si Baby Tali na kitang-kita ang saya sa kanyang mga ngiti.
Tila nakapag-relaks naman ng husto ang mag-asawang Vic at Pauleen sa kanilang naging bakasyon, kung saan ay kitang kita sa mga larawan ng mag-asawa ang kanilang paglalambingan habang nasa bakasyon.

Credits: Marie Pauleen Luna Sotto | Instagram

Marami nga ang nakababatid sa atin, na parehong subsob ang mag-asawa sa pagtatrabaho para magkaroon ng magandang kinabukasan ang kanilang anak, kaya naman masasabi rin natin na ‘deserve na deserve’ nina Pauleen at Vic, ang paminsan minsan ay magbakasyon at magrelasks sa isang napakagandang lugar.

Credits: Marie Pauleen Luna Sotto | Instagram

Kinaaliwan naman ng mga netizens ang mga larawan ng magpamilya, lalo pa nga’t napakasaya ng mga ito sa kanilang naging bakasyon.

Narito nga ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens;

“ang cute cute naman… walang dudang anak ng artista.”

“Ang cute cute naman ng baby Tali na yan ”

“yung bahay parang kina maam Nicole Caluag, enjoy sa vacation baby Tali.”

“Paganda ng paganda si Tali, habang lumalaki.”

“Family is love.”

Credits: Marie Pauleen Luna Sotto | Instagram

Samantala, tunay ngang napakahalaga sa pamilya na paminsan minsan ay magsama-sama at magbakasyon sa isang magandang lugar, dahil sa dito ay mas nagiging malapit kayo sa isa’t isa, at mas nagkakaroon kayo ng quality time na makapagbonding.