Mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna, Ibinahagi ang kanilang Nakakakilig na Love Story

Kilala ng lahat bilang Bossing ng sambayanan, siya lang naman ang nag-iisang si Bossing Vic Sotto. Isang komedyante sa industriya ng showbiz, at isa ring TV host ng noontime show na Eat Bulaga kung saan madalas siyang magpaabot ng tulong.

Hindi maitatanggi na maraming puso ang nabihag ng pagiging isang mahusay na komedyante sa telebisyon ni Bossing. Ngunit, maliban rito ay isa rin siyang butihing ama sa kanyang limang anak na sina Vico Sotto, Danica Sotto, Oyo Boy Sotto, Paulina Sotto, at bunsong anak na si Talitha Sotto.

Samantala, noong January 30, 2016 naman ikinasal si Bossing at asawa niya ngayong si Pauleen Luna na naganap sa Ayala Alabang, Muntinlupa. At sa pagdating ng kanilang bundle of joy na si Baby Tali na isinilang ni Pauleen noong Nobyembre 2017 ay mas lalong naging masaya at matatag ang kanilang pagsasama.

Ngunit, paano nga ba nauwi sa pag-iisang dibdib ang matamis na pag-iibigan nina Bossing at Poleng?

Sa panayam ni Pia Arcangel sa programang Tunay na Buhay, ay inilahad ng mag-asawa ang kanilang nakakakilig na love story.

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng marami na maraming naging karelasyon si Bossing Vic noon, kung saan ay nagkaroon siya maraming anak sa iba’t ibang babae. Ngunit, hindi naman ito naging hadlang sa kanilang pagmamahalan ni Pauleen. Idagdag pa nga rito ang layo ng agwat ng kanilang mga edad.

Sa dami nga ng pagsubok na kanilang hinarap, ay nagawa nilang lampasan ito matapos ipaglaban ang kanilang pagmamahalan.

Nang kamustahin nga ni Pia ang relasyon nina Bossing at Poleng noong magkasintahan pa lamang sila, ay hindi maitago ang kilig at ngiti ng mag-asawa sa kanilang mga mukha.

Ayon kay Poleng, ay napakasimple lamang ng kanilang relasyon kung saan ay nagdidinner sila, at dumadalo ng mass ng magkasama.

Limang taong magkarelasyon bilang magkasintahan sina Bossing at Poleng bago magpasyang magpakasal. Taong 2015 nang maganap naman ang engagement nilang dalawa.

Samantala, pagdating naman sa kanilang anak na si Baby Tali, ay talagang proud na proud ang mag-asawa. Bukod kasi sa napakacute ni Baby Tali, ay napakabibo at may angking talento rin ito sa maraming bagay. Kung sakali nga raw na papasok ito sa showbiz, ay nakasuporta sila sa nais ng kanilang anak.

Ngayong panahon naman ng pandemya, ay madalas silang magbonding sa loob ng kanilang tahanan, na talaga namang naeenjoy ang bawat sandali kasama si Baby Tali, na siyang nagbibigay saya at kulay sa kanilang pamilya.

Tunay na Buhay: Love story nina Vic Sotto at Pauleen Luna, alamin!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *