Mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, Masayang Ibinahagi ang Unang Benta nila sa kanilang Cupcake Business

Magmula ng nang matutunan ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo ang baking, ay naging passion na niya ito. Ngunit, ang pagkahilig ni Sarah sa paggawa ng cakes at cupcakes ay hindi lamang para matikman ng kanyang asawang si Matteo Guidicelli dahil ngayon nga, ay ginawa na rin nila itong business para matikman narin ng publiko.

Madalas namang ibahagi ng proud husband na si Matteo ang mga masasarap na cakes at cupcakes ni Sarah sa Instagram. At sa pagkakataong ito nga, ay ibinahagi ni Matteo ang maikling video sa kanyang Instagram story, kung saan masaya ang celebrity couple matapos matanggap ang unang benta ng kanilang cupcake business.

Makikita nga sa video na binuksan ni Sarah ang kulay puting sobre kung saan nakasilid ang perang kanilang kita sa cupcakes. Nang tanungin naman ni Matteo si Sarah kung magkano, ay pabiro namang sumagot si Sarah ng P2,000. Ngunit, makikita sa video na P200 pesos ang una nilang benta sa kanilang cupcake business.

“Our first sale from our cupcake,”pahayag ni Matteo.

“How much baby?”sabay tanong kaySarah.

“Two thousand”, birong sagot ni Sarah na sinundan pa ng malakas na tawa.

Samantala, maririnig naman sa video ang malakas na tawa ni Sarah, na tila nga masayang-masaya ito. Tuwang-tuwa naman si Matteo sa naging reaksyon ng kanyang asawa.

Matatandaan na noong taong 2016, ay nag-aral ng cooking lessons si Sarah sa tulong ni chef Gene Gonzales. At makikita naman na talagang maraming natutunan si Sarah dahilan nga upang ipagmalaki siya ng kanyang asawa na si Matteo.

“She does really, really good cakes. Her strawberry cake is super good.”

Sa isang panayam ay ibinahagi naman ni Matteo na Filipino food at baking ang paboritong gawin ni Sarah.

“I do the Italian dishes and she does the Filipino food and baking, so it’s been perfect for us.”

Noong nakaraang taon buwan ng Pebrero nang ikasal sina Sarah at Matteo sa isang secret wedding ceremony. Magmula nga nang ipaglaban ang kanilang pagmamahalan, ay talaga namang nakamit nila ang inaasam na kaligayahan. At nitong nakaraang buwan lamang ng Pebrero ay masaya nga nilang ipinagdiwang ang kanilang 1st wedding anniversary sa Palawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *