Mag-asawang Gwen Zamora at Dj Semerad Ipinasilip ang Kanilang Nabiling Malawak na Lote Kung Saan Nila Ipapatayo ang Kanilang Bagong Bahay

Masayang ibinahagi ng dating bubble gang actress na si Gwen Zamora kasama ang kaniyang asawang si Dj Semerad, ang kanilang nabiling malawak na lote. Isang panibagong blessings na naman ang natanggap ng mag-asawa, dahil sa loteng kanilang nabili ay itatayo ang kanilang bagong tahanan.

Ibinahagi ng aktres sa kaniyang instagram ang isang larawan kung saan hawak na nila ang titulo ng lupa, ang post na ito na may captiona na, “Blessed and Grateful”. Pati rin ang asawa ni Gwen na si Dj ay nagpost rin sa kaniyang instagram na may caption na, “We are taking the next step as a family, blessed”.

Agad naman silang nakatanggap ng mga congratulatory message mula sa kanilang mga fans at pati na rin sa kanilang mga kaibigan sa showbiz. Isa itong panibagong achievement sa mag-asawa. Kamakailan lamang noong nakaraang taon, ay nanatili ang dalawa sa kanilang Cabin home sa Batangas City kung saan sila nag-quarantine. At noon lamang July 2020, ay bumalik ang mag-asawa sa Maynila bago sila lumipad papuntang France upang doon idaos ang kanilang kasal.

 

Isang panibagong hakbang ito kina Gwen at Dj, dahil sila ay nagsisimulang bumuo ng kanilang pamilya kasama ang kanilang napaka-cute na anak. Ipinanganak ni Gwen ang kaniyang anak healthy baby boy na si Cooper John noong August 2019. Marami sa mga fans ni Gwen ang natuwa sa pagkakaroon niya nang anak.

Kilala si Gwen bilang isa sa mga sexy actress sa Kapuso Network. Halos anim na taon siyang naging bahagi ng Kapuso, bago siya naging freelancer ng GMA at ABS-CBN network. Ngunit sa ngayon, focus muna si Gwen sa kaniyang pagiging full time mommy. Pansamantala munang nagpahinga si Gwen sa showbiz, upang matutukan ang kanilang pamilya at ang itinatayo nilang pangarap

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *