Connect with us

Entertainment

Mag-asawa, Ibinahagi kung Paano nila Naiptayo ang kanilang Dream House Matapos na Ilang Ulit Naudlot ang Kanilang Kasal

Tunay nga na ang plano at kaloob lamang ng Diyos ang tanging nananaig higit pa man sa ating kagustuhan. Isang patotoo rito ang karanasan ng mag-asawang netizen na sa gitna ng mga hindi inaasahang pangyayari, ay nakamit pa rin nila ng goal na maikasal, at may bonus pang magandang bahay.

Isang nakaka-inspire na kwento ang hatid ng vlogger at content creator na si Jane Micah Mendoza kamakailan matapos ibahagi ang pinagdaanan nila ng kanyang asawa.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Jane Micah, ang patotoo kung paano kumilos ang Diyos sa buhay nilang mag-asawa sa kabila ng hirap na kanilang pinagdaanan. Ang talagang plano ni Jane Micah, at ng kanyang asawa, ay ang maikasal lamang. Ngunit, hindi nila akalain na makapagpapatayo sila ng bahay matapos ilang ulit na maudlot ang kanilang kasal.

Hindi man madali dahil pareho silang financially broke noong nakaraang taong 2020, ngunit hindi ito naging hadlang sa kanilang pagpapakasal, at ang pangarap na maikasal sa isa’t isa ay nabigyang katuparan noong Nobyembre 7, 2020.

“At the proper season, I will pour out the rain”, ito nga ang pinanghawakang pangako ng Diyos ni Jane na kanyang labis ring ipinagdarasal.

Ayon nga sa kwento ni Jane, taong 2019 ay pareho silang nawalan ng trabaho ng kanyang kasintahan pa lamang noon na si Jester, isang seaman. Malaki ang suliranin nila dahil marami ang bills na dapat nilang bayaran. May negosyo man ngunit hindi rin ito sapat. Pati ang pagsakay ni Jester sa barko, ay delay rin.

“Parehas kami walang trabaho 2019. He had almost half a million loan to cope up with his house and car amortization dahil na delay ang pagsakay niya sa barko. We had a business, but not enough to shoulder everything. We were really anxious that time but we kept on praying. Pinanghawakan ko ‘yung promise ng Lord na, ‘At the proper season, I will pour out rain,”pagbabahagi ni Micah.

Tila naging epektibo naman ang kanilang pagdarasal dahil nagkaroon ulit sila ng trabaho. Sa pagkakataong ito, ay inalok na si Micah ng kasal ni Jester. Sa kabila ng pangamba ay nagtiwala naman si Micah sa soon to be husband niya.

“Hanggang sa sabay kami nagkaroon ulit ng trabaho, so he asked me to get married na, of course I was worried. Kaya na ba namin? With his 6 months contract, pambayad pa lang sa mga utang ang kaya i-settle. Wala kaming pampakasal at pang-simula pero nagtiwala ako sa kanya.”

Ngunit, sa pagdating ng pandemya, kung saan ipinagbawal ang ilang seremonya at social gathering bilang pagtupad sa safety protocols upang maiwasan ang hawaan ng sakit, ay hindi natuloy ang kanilang pag-iisang dibdib. Naextend rin ang contract ni Jester, kaya naman mas napahaba pa ang oras na sila’y malayo sa isa’t isa. Ang tanging nasa isip na lamang nila ay makakaipon pa sila ng kanilang pampakasal.

“Pandemic came, so na extend yung contract niya. By that time, malungkot dahil miss na miss ko na siya pero we are grateful because we know that even in the midst of the storm, God is working. Makakaipon pa tayo ng pampakasal, sabi niya. ‘Yun lang naman ‘yung plano”

“I’m willing na magsimula from scratch with him. With our financial status that time, magre-rent ng maliit na apartment kahit kama at lamesa lang muna tsaka electric fan. That’s how I pictured it out,” sabi pa ni Micah.

Hindi man natuloy ang kanilang kasal sa nais nilang araw, ay may napakagandang plano namang nakahanda ang Diyos para sa kanila. Dahil ang naipon sana nilang pera para sa engrandeng kasal, ay kanilang ipinagawa ng kanilang dream house bago pa man sumapit ang kanilang pag-iisang dibdib.

“Pero yung plano ng Lord palaging higher, bigger, and greater! Paulit-ulit na delayed ‘yung wedding, hanggang naging intimate. Nakaipon at nakatipid! Wala ito sa plano, never namin napag-usapan sa budget na mapapagawa ang bahay na binili niya bago magpakasal.”

Hindi nga makapaniwala at labis ang kasiyahan ni Micah kung paano kumilos ang Diyos sa buhay nila. Dahil ang inaasahang kasal lamang, ay naiuwi rin sa pagkakaroon nila ng napakagandang bahay.

“Ang amazing lang isipin kung gaano kaganda ang plano ng Lord, hindi mo man makita ngayon pero kumikilos Siya sa kabila ng worries mo. Higit pa sa inaakala mo. Sharing with you our budget wise – blessed home,” pagbabahagi ni Micah, kalakip ang mga larawan ng kanilang bagong patayong bahay.

Isang naaantig na mensahe naman ang kanyang ipinaabot sa sinumang makakabasa ng kanyang post. At ang buod nga at leksyon ng kanilang kwento, ay manalig at magtiwala sa Diyos. Dahil ang kalooban Niya ang masusunod, na talagang may mas magandang plano para sayo, na higit pa sa inaakala mo.

“Proud kami na puro DIY, sale, at regalo ng parents and ninang/ninong ang mga gamit namin. Truly, God will provide, huwag ka mainip may season ang blessings. Dapat lang faithful ka kahit wala pa. Mas maganda ang plano Niya para sa yo, higit pa sa inaakala mo.”

error: Content is protected !!