Komedyanteng si Negi, Naging Emosyunal sa Kanyang House Tour Matapos Ibahagi ang Kwento sa Likod ng Kanyang Naipundar na Bahay Para sa Kanyang Pamilya

Bago sumikat sa telebisyon ay unang nakilala ang komedyanteng si Negi bilang stand up comedian sa comedy bar. Ang kanyang husay sa pagpapatawa ay nadiskubre hanggang sa pasukin na rin ni Negi ang showbiz na ngayon nga ay isa ng sikat na komedyante.

Hindi pinalampas ni Negi ang pagkakataong matupad ang kanyang mga pangarap, kaya naman ganun na lamang nga ang kanyang pagsusumikap. Dahil sa kanyang sipag, tiyaga at determinasyon ay nakapagpundar si Negi ng isang 4-story house na kanyang ipinasilip kamakailan sa kanyang mga tagahanga.

Dahil nga, bed riden na ang kanyang ama ay sa unang palapag ito namamalagi. Sa unang palapag rin matatagpuan ang kanilang living room, dining area at kitchen.

Photo credits: Negi | Youtube Channel

Photo credits: Negi | Youtube Channel

Photo credits: Negi | Youtube Channel

Photo credits: Negi | Youtube Channel

Sa 2nd floor naman makikita ang silid ng kanyang pamangkin, maging kanyang walk in closet. Ipinakita nga ni Negi ang kanyang shoes collection at kanyang mga damit na ginagamit sa trabaho. Ipinakita rin ni Negi ang bag na bigay sa kanya ng kanyang kaibigang si Vice Ganda.

Photo credits: Negi | Youtube Channel

Photo credits: Negi | Youtube Channel

Photo credits: Negi | Youtube Channel

Ang buong 3rd floor naman ng bahay ay pinasadya para sa kwarto ni Negi. Pagpasok nga sa silid ng komedyante ay bubungad ang kompleto sa kagamitang silid. Kapansin-pansin naman ang makikitang personalized arcade sa kanyang silid. At ang kwento sa likod kung bakit may arcade siya ay ibinahagi ni Negi. Ayon sa komedyante, noong unang panahon raw ay may kapitbahay silang may family computer, at kadalasan raw ay pinagsasarhan sila ng pinto kaya naman nangako siya sa sarili na bibili siya ng arcade paglaki niya.

Photo credits: Negi | Youtube Channel

Photo credits: Negi | Youtube Channel

Mapapansin naman ang pagkahilig ni Negi sa Doraemon na talaga namang paborito niya. May koleksyon rin ng Barbie si Negi na ang ilan nga rito ay galing pa ng Amerika. Ibinahagi naman ng komedyante na hindi siya nakakatulog kapag walang kulambo.

Photo credits: Negi | Youtube Channel

Dahil nga nasa 3rd floor ang kanyang silid, ay may sarili na siyang ref at banyo rito. May maliit ring sofa na makikita sa silid ni Negi. May balcony rin sa labas ng silid niya kung saan ay kadalasan siyang tumatambay tuwing umaga habang umiinom ng kape.

Photo credits: Negi | Youtube Channel

Sa huling palapag naman ng bahay ang rooftop. Dito naman makikita ang lawak ng view sa kanilang lugar. May makikita ring kitchen rito, at laundry area. Dito nila kadalasang ginaganap ang iba’t ibang okasyon tulad ng Pasko at Bagong Taon.

Photo credits: Negi | Youtube Channel

Sa huli ay hindi napigilan ni Negi ang maging emosyunal matapos ibahagi ang kwento sa likod ng kanyang naipundar na bahay para sa kanyang pamilya. Ayon nga sa komedyante, ay mahabang panahon rin silang nangupahan at hindi niya akalaing matutupad ang pangarap niyang magkabahay.

Photo credits: Negi | Youtube Channel

Pinasalamatan ni Negi ang mga taong tumulong at naging instrumento upang makilala siya at sumikat. Kabilang na nga rito ang kaibigang si Vice Ganda, na tumulong rin sa kanya na ipatiles ang buong bahay.

Masaya naman si Negi sa naabot niyang tagumpay dahil nagawa niyang makapagpundar ng pangarap na bahay at mabigyan ng maayos na buhay ang kanyang pamilya.

NEGI's HOUSE TOUR !!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *