Kilalanin mga Artista na may Kasing Gwapo at Kasing Ganda nilang Mamahaling Sasakyan

Silipin, mga Celebrities na ito na Nagmamay-ari ng Kasing Gwapo at Kasing Ganda nila na mga Mamahaling Sasakyan

Ang pagkakaroon ng sasakyan ay talaga namang pinapangarap ng maraming mga tao. Lalo na nga at batid natin na kung ikaw ay may sariling sasakyan ay mas mapapadali nito ang iyong transportasyon sa lugar na iyong nais puntahan.

Dito sa ating bansa [Pilipinas], ay kadalasan na nga na ang ginagamit na transportasyon ng marami ay ang pagsakay sa mga pampublikong mga sasakyan, lalo na’t hindi naman lahat ay may abilidad na makabili ng sariling sasakyan dahil sa hind inga biro ang presyo nito at maintenance.

Naging simbolo na rin at basehan ngayon kung gaano kayaman ang isang tao, kapag ito ay bumibili ng sasakyan.

Kung kaya ngayon nga ay silipin natin ang mga mamahaling mga sasakyan na pagmamay-ari ng mga pinakamayayaman na personalidad sa showbiz.

1. Jaguar XE

Ito ay pagmamay-ari ng Kapuso actor na si Alden Richards. Si Alden, kasama ang aktres na si Kathryn Bernardo ang mga bumida sa highest grossing filming history na ‘Hello, Love Goodbye’. Maliban sa pagiging isang Kapuso actor, ay kilala si Alden ngayon bilang Asia’s Multi-Media Star.

Photo credits: google.com

Ang Jaguar ay kilalang brand na gumagawa ng mga luxury vehicles sa United Kingdom. Ang Jaguar XE na pagmamay-ari ni Alden ay may bilis na 237 kilometers per hour at ito ay nagkakahalaga ng 4.5 milyon pesos.

2. Audi Q5

Ito ay pagmamay-ari ng It’s Showtime host na si Anne Curtis. Si Anne ay nabibilang na ngayon sa mga celebrity mommy matapos nga niyang isilang noong nakaraang taon ang panganay na anak nila ng kanyang asawang si Erwan Heusaff, na si baby Dahlia Amelie.

Photo credits: google.com

Ang Audi ay isang brand na gumagawa ng luxury cars na pagmamay-ari rin ng Wox Wagon at nagmula sa Germany. Ang Audi Q5 na pagmamay-ari ni Anne ay isang compact SUV na nagkakahalaga ng 5-milyon pesos.

3. Jaguar F-Type Coupe

Ito ay pagmamay-ari ng Filipino British, host, model, vj at aktres na si Georgina Wilson.

Photo credits: google.com

Si Georgina ay naging host ng Asias Top model noong 2015 at isa sa mga may-ari ng Sunnie’s Studio na nagbebenta ng mga sunglasses at eye glasses.

Ang Jaguar F-Type Coupe na pagmamay-ari ni Goergina ay isang two-door, two-seater na sports car na may bilis na aabot ng 259 kilometers per hour at ito ay nagkakahalaga ng 6-milyon pesos.

4. Dodge Challenger

Ito ay pagmamay-ari ng Filipino-American model at aktor na si Jake Cuenca, na ngayon at 32-taong gulang. Si Jake ay nagsimulang maging isang modelo ng siya ay 9-taong gulang at sinubukan niya ang pag-arte nang siya ay 10-taong gulang na. Sa ngayon ay kasintahan ni Jake si Miss International 2016 Kylie Versoza.

Photo credits: google.com

Ang Dodge ay kumpanyang 120 years ng gumagawa ng mga sasakyan sa Amerika. Ang Dodge Challenger naman na pagmamay-ari ni Jake ay isang two-door sports car na may bilis na aabot sa 320 kilometers per hour at ang halaga nga nito ay 6.5 -milyon pesos.

5. Maserati Granturismo

Ito ay pagmamay-ari ng Kapuso actor na si Dingdong Dantes. Si Dingong ay asawa ng Kapuso actress na si Marian Rivera, at sila nga ay mayroon ng dalawang anak, isang babae at isang lalaki. Siya rin ang Founding Chairman ng Yes Pinoy Foundation at nagpapatakbo rin siya ng kanyang sariling film studio na Agosto Dos Pictures.

Photo credits: google.com

Ang Maserati ay kilalang brand sa Italy na gumagawa ng mga luxury vehicles. Ang Maserati Granturismo ay isang two-door sports car na may bilis na aabot sa 289 kilometers per hour at ito nga ay nagkakahalaga ng 7-milyon pesos.

6. Chevrolet Corvette Stingray

Ito ay pagmamay-ari ng Teen King o kilala rin bilang King of Hearts ng Philippine Showbiz na si Daniel Padilla. Si Daniel ay bumida na sa mga pinakapatok na telserye at sa mga malalakas kumitang mga pelikula at isa ring kilalang singer.

Photo credits: google.com

Ang Chevrolet na tinatawag ring Cheve ay isang kumpanya sa Amerika na gumagawa ng iba’t ibang klaseng sasakyan. Ang Corvette Stingray ay may bilis na aabot sa 306 kilometer per hour at nagkakahalaga nga ito ng 8.5 milyon pesos.

7. Aston Martin Rapide S

Ito ay pagmamay-ari ng aktres at anak ng Miss Universe 1969 Gloria Diaz na si Isabelle Daza. Si Isabelle ay naging pre-school teacher matapos mag-aral ng kolehiyo sa Dela Salle University bago pa man nga siya sumabak sa pag-aartista.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Kilalang brand ng luxury vehicle sa United Kingdom ang Aston Martin. Ang Aston Martin Rapide S ni Isabelle ay isang four-door sports car na may bilis na aabot sa 303 kilometers per hour at ito nga ay nagkakahalaga ng 14-milyon pesos.

8. Inkas Sentry Armored Personnel Carrier

Ito ay pagmamay-ari ng bidang aktor ng ‘FPJ, Ang Probinsyano’ na si Coco Martin. Si Coco ay sumali sa Star Circle Batch 9 ng ABS-CBN at naging parte ng maraming Indie Films bago nabigyan ng malaking break sa telebisyon. Maliban sa pagiging isang kilalang aktor, ay kinilala na rin ngayon si Coco bilang isang prodyuser at direktor.

Photo credits: google.com

Ang Inkas Sentry ay kumpanyang kilala na gumagawa ng mga armored vehicles sa Canada. Ang biniling Armored Inkas Sentry ni Coco ay dinesenyo para sa mga kapulisan at military. Ito ay may proteksyon mula sa mga bala at pagsabog. Mayroon din itong night vision. Madalas ngang nakikita ang ganitong uri ng sasakyan sa mga pelikula tulad ng Zombi Apocalypse. Ang sasakyan na ito ay nagkakahalaga ng 22-milyon pesos.

9. Ferrari 458 Italia

Ito ay pagmamay-ari ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao. Si Manny ay nagsimula sa larangan ng boksing noong siya ay 14-taong gulang, at naging propesyonal sa edad na labing anim. Naging singer, actor, host, basketbolista sa PBA, naging congressman ng Saranggani hanggang sa naging senador ng Pilipinas.

Photo credits: google.com

Ang Ferrari ay kilalang gumagawa ng mga luxury sports cars sa Italy. Ang Ferrari 458 Italia na nabili ni Manny ay may bilis na aabot sa 340 kilometers per hour at nagkakahalaga ng 23-milyon pesos.

10. Ferrari 458 Spider

Ito ay pagmamay-ari ni Willie Revillame na host at prodyuser ng variety show sa GMA network na Wowowin, na ngayon ay limang taon ng umeere sa telebisyon. Bago pa man maging Kapuso host ay nagsimula ang karera ni Willie sa ABS-CBN network, kung saan ay naging host siya noon ng Wowowee at nakilala muna ngang si Puppy bago man siya naging si kuya Wil.

Photo credits: google.com

Ang Ferrari 458 Spider ay may bilis na aabot sa 340 kilometers per hour at ito ay nagkakahalaga ng 25-milyon pesos.

Tunay ngang nakakalula ang presyo ng mga sasakyan na ito, at nakakabilib nga ang mga personalidad na nagmamay-ari nito dahil batid natin na ito ay bunga ng kanilang naging pagsisipag at pagtitiyaga sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *