Kilalanin ang mga Sikat na Personalidad sa Showbiz na may Ubod sa Yaman at Bilyonaryong Karelasyon

Ang mga sikat na personalidad sa showbiz ay talaga namang taglay ang magagandang katangian. Kaya naman, hindi na nakapagtataka kung mapaibig nila ang isang saksakan sa yamang personalidad, hindi lamang sa loob ng bansa kundi maging sa buong mundo. Tila nga nasa kanila na ang lahat, magandang mukha, kasikatan, karangyaan, kasamahan pa nga ito ng napakayamang kasintahan.

Kilalanin ang mga sikat na artista sa showbiz na may ubod sa yamang kasintahan, hindi lamang milyonaryo kundi bilyonaryo pa.

1. Pia Wurtzbach

Sa pag-amin ng relasyon nila ng Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach, at Jeremy Jauncy na isang professional traveller at entrepreneur, ay talagang namang ramdam na ramdam ni Pia ang pagiging Queen P. Bukod kasi napakagwapo, ay napakayaman rin ni Jeremy na CEO at founder of Beautiful Destinations. At dahil nga isang certified traveller, ay siya rin ang Global Ambassador for the World Wildlife Fund. Makikita naman ang taglay na kayamanan nito sa mga hindi basta-bastang getaway nilang magkasintahan sa mga lugar na kanilang pinupuntahan sa buong mundo.

2. Sofia Andres

Marami ang ginulat ng Kapamilya actress na si Sofia Andres matapos isiwalat na may anak na sila ng kanyang nobyong si Daniel Miranda, isang car racer. Sadyang napakagwapo ng ama ng anak ni Sofia na si Baby Zoe. At nakakalula naman ng taglay nitong kayamanan. Si Daniel kasi ay isa sa tagapagmana ng napakayamang angkan. Siya ay mula sa angkan ng Lhuillier sa Cebu at ang kanyang lolo na si Philippe Lhuillier ay siyang nagmamay-ari ng pinakamalaking pawnshop sa bansa na Cebuana Lhuillier Pawnshop.

3. Zsa Zsa Padilla

Ang long-time partner naman ng singer at aktres na si Zsa Zsa Padilla ay isa ring napakayamang personalidad. Siya lang naman si Conrad Onglao na isa sa pinakakilala at pinakamayamang architect sa bansa na. Kay Conrad tumatakbo ang mga kilala at mayayamang personalidad sa bansa upang magpagawa ng disenyo ng bahay at maging instraktura ng mga gusali. Sa kanyang taglay na kayamanan nga, ay nagmamay-ari siya ng napakaraming property kabilang na nga rito ang napakalawak na farm house at resort.

4. Erich Gonzales

Isa namang mayamang businessman ang boyfriend ng aktres na si Erich Gonzales. Siya si Matteo Lorenzo na nagmula sa mayayamang angkan ng Lorenzo sa Davao. Ang kanyang ama na si Martin Lorenzo ay isang bilyonaryong businessman na mamay-ari ng 18 na iba’t ibang kompanya sa loob at labas ng bansa. Sa sobrang yaman nga ng pamilya nito, ay minsan nang sinundo si Erich ng isang private plane sa taping ng aktres.

5. Alex Gonzaga

Ubod ng yaman rin ang nobyo at ngayon nga ay asawa na ni Alex Gonzaga na si Mikee Morada. Si Mikee ay mula sa mayamang angkan ng mga Morada sa Batangas na nagmamay-ari ng ibat ibang negosyo. Maliban rito, ay kilalang maimpluwensyang political clan rin ang pamilya ni Mikee. Katunayan nga nito, ay kasalukuyang city counsilor si Mikee sa Lipa sa Batangas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *