Kilalanin ang mga Sikat na Celebrities na ito na Dumaan sa Training Upang Maging Reservist na Sundalo ng Philippine Airforce, Marine at Army

Ang maglingkod nga sa bansang sinilangan ay isang napakalaking karangalan. Kaya naman, kahit ang mga sikat na artista sa industriya ng showbiz ay pinasok na rin ang pagiging sundalo at reservist upang maglingkod sa bayan at magampanan ang tungkulin na tumulong sa mga nangangailangan.

Kilalanin ang mga sikat na artista na pumasok sa Philippine army upang maging sundalo at reservist sa bansa.

1. Herbert Bautista

May rank na Brigadier general (Brig. Gen.) ang dating aktor na ngayon ay politician na si Herbert Bautista.

2. Ejay Falcon

Ang kapamilya aktor na si Ejay Falcon ay natupad na ang matagal ng pangarap na maging bahagi ng Philippine Army. Si EJ nga ay isa na ngayong reservist ng Philippine Airforce.

3. Rocco Nacino

Ang Kapuso actor na si Rocco Nacino ay may katungkulan na Petty Officer 3rd Class sa Philippine Navy.

4. Beauty Gonzales

Matapos dumaan sa matinding training ang aktres na si Beauty Gonzales sa Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-ASG), ngayon ay isa na siyang reservist upang maglingkod sa bayan.

5. Ronnie Liang

Maliban sa pagiging piloto ay miyembro na rin ng Philippine Army ang dating singer na si Ronnie Liang. Isa siyang 2nd lieutenant sa Philippine Army reservist.

6. Dingdong Dantes

Ang asawa naman ni Marian Rivera na si Dingdong Dantes ay sumunod sa yapak ng kanyang lolo at ama na maging bahagi ng Philippine Army. Si Dingdong ay may ranggong lieutenant commander sa Philippine Army.

7. Lucy Torres at Richard Gomez

Ang mag-asawang politician na sinq Lucy Torres at Richard Gomez ay parehong may katungkulan sa army. Si Lucy ay may ranggong Master Sergeant sa Philippine Marine Reserve. Si Richard naman ay isang Chief Petty Reservist ng Philippine Navy.

8. Gerald Anderson

Ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson ay isa ring reservist ng Philippine Army.

9. JM De Guzman

Reservist rin ang aktor na si JM de Guzman sa Philippine Airforce.

10. Kiko Estrada

Kasabayan namang nagtraining ni JM de Guzman ang aktor na si Kiko Estra upang naging reservist ng Philippine Airforce.

11. Matteo Guidecilli

May ranggo namang 2nd lieutenent of the Arm Forces of the Philippines ang asawa ni Sarah Geronimo na si Matteo Guidicelli.

12. Wynwyn Marquez

Miyembro naman ng Philippine Navy ang aktres at beauty queen na si Wynwyn Marquez bilang reservist.

13. Arci Muñoz

Ang napakagandang aktres na si Arci Muñoz ay isa namang Sergeant sa Philippine Airforce Reserve.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *