Kilalanin ang mga Sikat na Artista na Nagmamay-ari ng Iba’t Ibang Negosyo

Ang kasikatan ng mga sikat na artista sa showbiz ay hindi pang habang buhay na kanilang mai-enjoy. Dahil darating nga ang oras na magpapaalam rin sila sa industriya na nagbigay sa kanilang ng katanyagan at maayos na buhay. Kaya naman, may ilang celebrities na talagang inilalaan ang kanilang pinagpaguran sa pagnenegosyo.

Kilalanin ang mga sikat artista sa showbiz na nagmamay-ari ng Iba’t ibang negosyo.

1. Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

Ang magkasintahang sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay sinasamantala ang kanilang kasikatan upang makapagpundar ng mga negosyo habang bata pa sila. Sila ang may-ari ng Barbero Blues na isang barber shop na matatagpuan sa SM Fairview at North Edsa.

2. Alex Gonzaga at Toni Gonzaga

Sosyo naman sa negosyo ang magkapatid na sina Alex Gonzaga at Toni Gonzaga. Sila ang may-ari ng milktea stand na Happy Cup na kadalasang makikita sa mga mall.

3. Kathryn Bernardo

Si Kathryn Bernardo naman ang may-ari ng nail salon na KathNails na hango sa pangalan niya.

4. Liza Soberano

Ang aktres na si Liza Soberano ang may-ari naman ng Hope Wellness Center na isang wellness spa sa Quezon City.

5. Georgina Wilson

Ang modelo at aktres na si Geogina Wilson ang may-ari ng Sunnies Studios na tindahan ng mga sun glasses na makikita sa mga mall.

6. Alden Richards

Ang Pambansang Bae na si Alden Richards naman ang nagmamay-ari ng Concha’s Garden Cafe sa may tatlong branch na sa Cavite, Tagaytay at Quezon City.

7. Marvin Agustin

Maliban nga sa pagiging isang mahusay na aktor, negosyante rin si Marvin Agustin na nagmamay-ari naman ng mga Japanese restaurants, ang Sumo Sam at John and Joko.

8. Sharon Cuneta

Nagmamay-ari rin ng isang restaurant si Megastar Sharon Cuneta. Ito ang Mesa na traditional Filipino ang mga masasarap na pagkaing hinahain sa kanilang mga customer.

9. Vice Ganda

Si Unkabogable star na si Vice Ganda ay nasa mundo ng cosmetics ang negosyo. Si Vice nga ang may-ari ng Vice Cosmetics.

10. Anne Curtis

Ang It’s Showtime host na si Anne Curtis naman ang may-ari ng BLK cosmetics.

11. Shamcey Supsup

Ang Miss Universe 2011 3rd Runner up na si Shamcey Supsup ay nagmamay-ari ng isang restaurant na Pedro ‘n Coi.

12. Karylle Padilla

Ang singer na si Karylle ay nagmamay-ari ng KTV resto bar na Center Stage.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *