Kilalanin ang mga Dating Celebrity na Iniwan ang Showbiz Upang Maging Lisensyadong Doctor

Kung may mga celebrities na nakipagsapalaran sa iba’t ibang kompetisyon para lamang makapasok sa industriya ng showbiz, ay may mga celebrities rin namang iniwan ang showbiz at nagpasyang tuparin ang kanilang pangarap at tungkulin na makatulong sa mga taong may karamdaman. Sila ang mga dating artista na ngayon ay mga lisensyadong doktor na.

1. Josh Santana

Ang singer at aktor na si Josh Santana na naging kalove team ng singer na si Carol Banawa sa telelerye ng ABS-CBN na “Bituin”, ay isa na ngayong lisensyadong doctor.
Taong 2012 nang lisanin Josh ang showbiz upang maging isang doctor.

Si Josh ay nagtapos ng medisina sa Far Eastern University noong 2016. At noong March 2018, ay kabilang si Josh sa listahan ng mga nakapasa sa Physician Licensure Examination.

Siya na nga ngayon si Dr. Michael Alexander Pamular.

2. Angeli Gonzales

Ang dating teenstar ng Kapamilya network na si Angeli Gonzales,ay kilala na ngayon bilang si Dr. Kaye Angeli Gonzales. Sa De La Salle Medical and Health Science Institute sa Cavite siya nagtapos ng medisina noong 2019. At noong nakaraang taon lamang ay isa na ngang lisensyadong doctor si Angeli matapos makapasa sa Medical Licensure Examination. Napanood si Angeli noon sa mga Kapamilya shows tulad ng “Luv U”.

3. CJ Muere

Ang dating Starstruck survivor na si CJ Muere ay kilala na ngayon bilang isang dentista sa pangalang Dr. Caesar Joseph Muere.

Taong 2008, nang lisanin ni CJ ang showbiz upang pagtuunan ng atensyon ang kanyang pag-aaral sa Centro Escolar University. At matapos lamang ang limang taon ay nagtapos siya ng Doctor of Dental Medicine at nakapasa sa Dentistry Licensure exam. Ngayon nga ay may sarili na siyang dental clinic, ang All Smiles Dental Home.

5. Alec Dungo

Ang dating Pinoy Big Brother” housemate na si Alec Dungo, ay isa na ring lisensyadong doctor ngayon. Bago pa man pasukin ni Alec ang showbiz, ay pangarap na talaga niyang maging isang doctor. At ito nga ay binigyan niya ng katuparan.

Noong 2019 nga, ay nakapagtapos si Alec ng Medical Degree bilang Cum Laude sa University of Sto. Thomas. At noong nakaraang taon nga ay nakapasa siya sa Medical Licensure Examination, at kilala na ngayon bilang si Dr. Alec Brandon Dungo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *