Kilalanin ang mga Dating Artista Na Mas Piniling Lisanin ang Showbiz Para Magkaroon ng Tahimik at Marangyang Buhay sa Ibang Bansa

Tunay nga na hindi lahat ng artista ay nais ang buhay na puno ng kasikatan dahil kapalit ng kanilang kasikatan ang kanilanh kalayaan na mamuhay ng normal at pribado. Kaya naman, may mga artista na nagpasya na lisanin na lamang ang showbiz upang mamuhay ng may kalayaan, simple at tahimik sa ibang bansa.

Kilalanin ang ilan sa mga dating artista na ngayon ay masaya at may marangya ng buhay sa ibang bansa.

1. Krista Ranillo


Noong 2009 nang magpasya ang sexy star na si Krista Ranillo na iwan ang kinang ng kasikatan sa showbiz upang manirahan sa Amerika. At ngayon nga, ay masaya nang namumuhay ang aktres sa ibang bansa kapiling ang kanyang Pinoy na asawa at lima nilang anak.

2. Carol Banawa


Masaya na ring namumuhay sa ibang bansa ngayon ang dating sikat na singer na si Carol Banawa bilang isang nurse. May asawa na rin ito at biniyayaan ang kanilang pagsasama ng dalawang anak.

3. Nancy Castiglione

Nasa ibang bansa na rin ngayon ang dating aktres na si Nancy Castiglione. Siya nga ay naninirahan ngayon sa Canada kapiling ang kanyang asawa at kambal na anak. Masaya rin siyang nagtatrabaho ngayon doon bilang isang broker.

4. Beth Tamayo


Hindi naging madali ang pinagdaanan ng dating aktres na Beth Tamayo sa ibang bansa kung saan ay pumasok siya ng iba’t ibang trabaho bago tuluyang maging Executive Assistant sa isang investment company sa US.

5. Kim Delos Santos


Isa nang nurse ngayon ang dating teenstar na si Kim Delos Santos sa New Jersey, USA magmula ng lisanin ang showbiz labing anim na taon na ang nakakaraan.

6. Ehra Madrigal


Magmula nang lisanin ni Ehra Madrigal ang showbiz noong 2013, ay may maganda at masaya nang buhay ngayon sa Amerika kasama ang kanyang asawa.

7. G Tongi

Isa nang TV show producer sa Amerika ang dating aktres na si G Tongi. At masayang maumuhay kasama ang kanyang asawa at dalawang anak.

8. Jewel Mische

Sa kabila ng kasikatan ng dating aktres na si Jewel Mische ay may pinili parin nitong iwan ang showbiz upang masaya at tahimik na mamuhay sa Amerika kasama ang kanyang asawa at dalawa nilang anak.

9. Princess Punzalan

Ang sikat na kontrabida noon na si Princess Punzalan ay isa na ngayong nurse sa Amerika. Masaya na rin siya sa piling ng kanyang asawa.

10. Joyce Jimenez

Ang tinaguriang pantasya ng bayan sa showbiz noon na si Joyce Jimenez ay masaya na ngayong naninirahan sa Amerika kasama ang kanyang sundalong asawa at tatlo nilang anak magmula ng iwan ang showbiz noong 2008.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *