Kilalanin ang Dating mga Sikat na Artista na ito na Iniwan ang Showbiz para Pumasok ng Ibang Trabaho

Ang kasikatang tinatamasa sa industriya ng showbiz ng mga artista ay hindi naman talaga pang habangbuhay. Kaya naman, may ilan sa kanila na tuluyan nang iniwan ang pag-aartista upang magkaroon ng ibang trabaho.

Alamin ang trabaho ngayon ng mga sikat na artista noon.

1. Chubi Del Rosario

Ang sikat na aktor noon na si Chubi del Rosario ay isa na ngayong party host sa iba’t ibang events.

Matatandaan nakilala sya sa mundo ng showbiz noong 90s at naging ka love team nya nga din dati si Anne Curtis.

2. CJ Muere

Napili namang maging dentista ng dating StarStruck contestant season 2 na si CJ Muere.

3. Chin Chin Gutierrez

Ang sikat namang aktres noon na si Chinchin Gutierrez ay naging isa namang consecrated nun o madre.

4. Danilo Barrios

Ang dating sikat na aktor na si Danilo Barrios ay isa nang presidente ng Tatiomax Pharma Corporation.

5. January Isaac

Isa nang taekwondo at aikido black belter sa Amerika ang nakilalang si Lumen sa TV commercial noon at kilala rin sa tunay na buhay na si January Isaac.

6. Agatha Tapan

Isa na ngayong guro at financial wealth planner ng FWD Life Philippines ang dating childstar na si Agatha Tapan.

7. Steven Silva

Ang nagwaging Ultimate Male Survivor sa Startruck season 5 na si Steven Silva ay isa na ngayong event host, voice over talent at radio DJ ng Jam 88.3.

8. Nanette Medved

Si Nanette Medved na sumikat noong dekada nubenta ay isa na ngayong philantropist at board member ng iba’t ibang non-profit organizations.

9. LJ Moreno

Isa namang pastry chef ang sikat na aktres noon na si LJ Moreno.

10. Rainer Castillo

Ang Rainer Castillo na kilala noon bilang Mr. Killr Smile sa Startruck ay isang unit head sa AXA Philippines ng isang insurance company.

11. Dino Guevarra

Marketing Manager ng Century Properties Real Estate ngayon ang dating aktor na si Dino Guevarra.

12. Serena Dalrymple

Si Serena Dalrymple na isang child star noon ay isa na ngayong manager sa viacom sa Amerika.

13. Onemig Bondoc

Ang aktor na sumikat sa TGIS noon na si Onemig Bondoc ay isa na ngayong businessman at nagmamay-ari ng food stand na Couch Potato.

 

14. Maybeline Dela Cruz

Isa na ngayong politician sa Pangasinan ang dating aktres sa Home Alone D’ Riles na si Maybeline Dela Cruz.

15. Spencer Reyes

Isa ng bus driver sa Scotland ang dating member ng Streetboy na si Spencer Reyes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *