Kaye Abad, Inamin na ang Aktor na si John Lloyd Cruz ang kanyang Naging First Boyfriend at First Love

Ang aktres na si Kaye Abad o kilala rin sa tunay na buhay bilang si Katherine Grace Abad, ay isang mahusay na aktres sa showbiz na ipinamalas ang husay sa pag-arte at unang nasilayan sa telebisyon noong 1993.

Kung isa ka sa batang 90’s ay tiyak na kinilig ka sa tambalan nina Kaye Abad at aktor na si John Lloyd Cruz sa palabas na “Tabing Ilog” na napanood noong 1999 hanggang 2003 sa telebisyon. Marami nga ang napangiti at napakilig ng kanilang tambalan noon na hindi maikakaila ang maganda nilang chemistry na bagay naman talaga sa isa’t isa.

Bagama’t matagal nang hindi nagkikita at nagkakasama, dahil na rin may kanya-kanya na silang buhay, ay hindi naman nawawala sa alaala ni Kaye ang magandang samahan nila ni Lloydie noon. Pag-amin nga ng aktres nang minsan makapanayam sa programa ni Tito Boy na Tonight With Boy Abunda, ay namimiss niya ang dating ka-love team.

Sa panayam ay inamin rin ni Kaye na ang kanyang dating ka-love team na si John Lloyd ang kanyang first boyfriend at kanyang first love. Nang kamustahin ni Tito Boy ang relasyon nila noon bilang mgkasintahan, ay sinabi ni Kaye na masaya at simple. Ito nga ay dahil simpleng buhay lamang meron si Lloydie, na kung saan ay siya pa ang naghahatid sa aktor sa tahanan nito.

Looking forward rin si Kaye sa anumang oportunidad na maaari nilang pagsamahang proyekto ni John Lloyd sa showbiz. Matatandaan na taong 2017 nang magpasyang magpahinga sa showbiz si Lloydie matapos masumpungan ang kaligayahan sa piling ng aktres na si Ellen Adarna at kanilang anak na si Elias sa Cebu. Ngunit, ngayon nga ay hiwalay na ang dalawa at may bago ng karelasyon ngayon si Ellen, ang boyfriend nitong si Derek Ramsay.

Samantala, si Kaye naman ay may sarili na ring pamilya sa piling ng kanyang businessman-athlete na asawang si Paul Jake Castillo at kasalukuyang naninirahan ang kanilang pamilya sa Cebu. Taong 2014, nang magsimula ang pag-iibigan nina Kaye at Paul na nauwi sa pag-iisang dibdib noong Disyembre 9,2016 sa isang intimate wedding ceremony na ginanap sa Cebu. Matapos naman ang isang taon ay biniyayaan ang kanilang pagsasama ng isang baby boy na isinilang ni Kaye noong Disyembre 22, 2017, na pinangalanan nilang Joaquin.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *