‘Katas ng Youtube’ Ethel Booba, Naghatid ng Goodvibes sa Kanyang mga Tagahanga Matapos Ipasilip ang Napakaganda at Napalawak na Resort na Nabili Nya Daw

Pagdating nga sa paghahatid ng goodvibes sa mga netizens, ay talagang marami ang natutuwa sa komedyante at singer na si Ethel Booba. At ito nga ay idinadaan niya sa pamamagitan ng kanyang mga videos na mapapanood sa kanyang Youtube Channel.

Matatandaan na minsan nang umani ng papuri at paghanga si Ethel mula sa mga netizens sa kanyang pagiging plantita kung saan ay nagtrending dahil sa kanyang sense of humor,matapos ipakita ang kanyang plants collection, na mula pa umano sa iba’t ibang bansa. Ngunit, ang tinutukoy pala ng komedyante, ay mga puno ng malunggay, talong, papaya at gabi na ginawan rin niya ng name tag kung saan nakasulat ang kakaibang pangalan.

Mas lalo namang nagkaroon ng inspirasyon si Ethel na patuloy na makapagbigay saya sa kanyang mga tagahanga dahil nakikita niya naman na marami ang kanyang mabibigyan ng kaligayahan. Ngayon nga, ang subscribers ni Ethel sa kanyang Youtube Channel ay umabot na ng 910,000 subcribers. Patunay lamang nga nito na marami ang nagmamahal at sumusuporta kay Ethel.

At kamakailan nga, ay muli na namang naghatid ng saya si Ethel sa kanyang mga tagahanga matapos ipasilip ang katas ng kanyang pagyu-YouTube, na isang napakaganda at napakalawak na resort, ang Casa Veranda.

Sa pagsisimula ng video ay sinabi ni Ethel na may lawak itong 22 hectares. At nagustuhan niya talaga ang lugar dahil napakaaliwalas at tahimik umano rito. Natutuwa rin si Ethel dahil nabili niya ang resort ng wala ng dapat ayusin at wala na siyang dapat problemahin pa rito. Saad pa nga ni Ethel, ay nagustuhan rin niya ang disenyo nito na talagang bumagay sa kanyang personality.

Photo credits: Ethel Booba | Youtube

Photo credits: Ethel Booba | Youtube

Inilibot na nga ni Ethel sa napakalawak na resort ang kanyang mga tagahanga. Makikita na sa bawat sulok ng resort ay napapalamutian ito ng iba’t ibang klase ng mga luntian at makukulay na bulaklak na mas lalong nagpaganda sa resort.

Photo credits: Ethel Booba | Youtube

Photo credits: Ethel Booba | Youtube

Ipinakita rin ni Ethel ang swimming pool, ay isang jacuzzi. Ayon naman sa komedyante, ay marami pa siyang gagawing improvement sa nabiling resort. Samantala, makikita naman ang napakagandang tanawin kung saan mula rito ay matatanaw ang NLEX pati na rin ang bundok Arayat. May lugar rin kung saan pwedeng magbonefire at mag-ihaw.

Photo credits: Ethel Booba | Youtube

Photo credits: Ethel Booba | Youtube

Photo credits: Ethel Booba | Youtube

Mapapanood sa video na talagang masaya si Ethel na naipasilip na niya sa kanyang mga tagahanga ang nabili niyang resort na katas ng YouTube. Ngunit, ilang sandali lamang ay may dumating na isang babaeng nakasakay sa kotse at biglang bumaba sa sasakyan sabay tawag kay Ethel para ibaba ang mga gamit nito sa kotse. At sa huli nga, ang dumating palang babae ay Ninang ng anak ni Ethel na si Michaela, ang may-ari ng nasabing resort, si Hon. Gene Dela Fuente.

Photo credits: Ethel Booba | Youtube

Marami na naman nga ang nabigyang kaligayahan ni Ethel sa kanyang nakakatuwang video na talaga namang goodvibes ang hatid sa mga manonood.

ETHEL BOOBA VLOG#146 KATAS NG YOUTUBE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *