Julia Montes, Proud na Ipinasilip sa Publiko ang kanyang Naipundar na Simple pero Napakagandang Bahay sa Antipolo

Karamihan sa mga artista ngayon, ay ibinabahagi nila ang kanilang mga naipundar. Kagaya na lamang ng bagong bahay at lupa na tatayuan ng kanilang mga future house. Ito ang mga bagay na malaking achievement na para sa kanila dahil talagang nakikita ang kanilang pinaghirapan mula sa kanilang pagsisikap bilang isang artista. At isa na nga dito, ang aktres na si Julia Montes na hindi nagpakabog sa pabonggahan ng bahay.

Taong 2012, nang nagsimulang maghanap ng sariling bahay si Julia. At ang kaniya ngang napakaganda at napakaeleganteng tahanan ay matatagpuan sa Antipolo City, kung saan ito ang bahay na swak sa kanyang taste.

Ang bagong na ito ni Julia, ay isang semi-furnished kung saan hindi naman sila masyadong nahirapan na pagandahin pa ang disenyo nito. Ang bahay na ito ay may napakagandang desinyo na makikita pagpasok pala ng bahay na may napaka-magarbong kulay na may touch of color black and gold. Ito ay may “Mediterranean style” na gawa sa tiles, bricks, at bakal ang buong bahay.

Unang mapapansin sa loob ng bahay kanilang living area na may color combination ng itim, puti at kulay pula. Pula kasi ang paboritong kulay ni Julia, kaya naman bawat sulok nito ay may “touch of red”.

Sa kanila namang dining area, makikitang merong anim na upuan ang kanilang magandang dining set table at mayroon din itong bar stool na kulay pula rin. Ang kanilang panel divider ang nagsisilbing harang sa kanilang living at dining area.

May sitting nook naman na makikita sa pagitan ng kanilang living at dining area, kung saan ito ang parte ng bahay na pwedeng magrelax sa pamamagitan ng pagbabasa habang umiinom ng kape o di naman kaya ay pwedeng maging tambayan habang kumakain ng meryenda kasama ang mga bisita.

Napaka-tropical modern ang design na makikita sa kanilang bathroom na tila parang spa area na matatagpuan lamang sa ilalim ng kanilang hagdanan kung saan ito ay para sa mga bisita lamang. Napaka-simple lamang ng bathroom na ito, na mayroong mga pebbles na nakalagay sa ilalim ng lababo na talaga nga namang nagpaganda at nagpa-aliwalas sa lugar.

Sa bedroom naman ni Julia, makikita ang napakagandang kulay pula na bumagay sa kanyang personality. Ayon sa aktres, ang kulay pula na pinasadya niya sa kanyang bahay ay ang ibig sabihin ay “strength”. Mapapansin ang isang mahabang upuan sa gilid ng kanyang kama at dalawang malaking upuan naman sa paanan ng kanyang higaan. Ang kanya namang dresser ay napaka-simple lang, kung saan mayroon itong sabitan ng kanyang mga bag at sombrero.

Sa sarili namang bathroom ni Julia ay mayroon ding walk-in closet na organized niyang inaayos. Ang lababo ng kanyang bathroom ay mayroon ding mga pebbles sa ilalim nito kagaya lang din nung kanilang bathroom sa ibaba ng hagdan.

At siyempre hindi mawawala ang veranda ng kanilang bahay, kung saan dito masarap mag-relax at tumingin ng magagandang view habang lumalanghap na masarap na simoy ng hangin.
Ito ang achievement ni Julia na bunga ng kanyang matagal ng pagsusumikap at pagtitiyaga sa kaniyang trabaho.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *