JC Santos, Ipinasilip ang Renovation ng Kusina ng Kanyang Bahay na May Disenyong Organic Bali-Inspired Kitchen

Para nga sa marami, ang kusina ang isa sa pinakamahalagang bahagi ng bahay. Ito nga ay dahil dito nagmumula ang pagkain natin sa araw-araw. Isang espesyal na lugar kung saan sama-sama at magkakasabay na kumain ang buong mag-anak.

Napakasarap naman talagang kumain, at mag-usap sa hapag kapag maayos at maaliwas ang kusina. Kaya naman, ang aktor na si JC Santos, ay tiniyak na magiging komportable ang kanilang pamilya sa tuwing magsasalo-salo sa hapag.

Photo credits: JC Santos | IG

At ang kahanga-hangang disenyo nga ng kusina ng aktor, ay binigyang kulay ng mahusay na Architect na si Justine Amor Garcia ng Innovarc. Ayon nga kay Architect Justine, ang concept ng kusina ni JC ay hango sa “Bie Cucina”, na isang salitang Kapampangan na ang ibig sabihin ay “Life in the kitchen” o “A Living Kitchen”.

Photo credits: JC Santos | IG

Samantala, ang lawak naman ng nasabing kusina sa tahanan ng pamilya ni JC ay may sukat na 20 sqm, kasama na nga rito ang dining area. At para nga magkaroon ng koneksyon ang loob at labas ng kanilang tahanan, ay binigyan niya ito ng disenyong Bali Inspired na kung saan ay tinawag naman ng Architect na “is being harmony with nature”.

Ayon kay Justine, “The palette used was basically the combination of the natural color of the wood, the rawness of the concrete finished wall and surfaces, and the subtle color of dark gray for the cabinets”.

Photo credits: JC Santos | IG

At ang resulta nga nito ay isang kusina na talagang natural na natural, na bukod sa napakalinis tingnan, at tinawag ring “organic-looking space” na talagang napakaganda sa matang pagmasdan mapa-umaga man o gabi.

Kahoy naman ang pangunahing materyales na ginamit sa kabuuang kusina. At nagpapakita naman ito ng natural na texture ng table and chairs na konektado naman sa center console na hinaluan naman ng concrete.

Photo credits: JC Santos | IG

Photo credits: JC Santos | IG

Samantala, ipinaliwanag naman ni Justine kung para saan ang concrete-finished texture. Ayon nga rito, ay para umano magmukhang organic at natural itong tingnan. Purong Acasia naman ang ginamit sa dining table kung sana ay nagmula pa sa Betis, Pampanga na talaga namang mataas na kalidad ng kahoy.

Photo credits: JC Santos | IG

Photo credits: JC Santos | IG

Para naman sa counter tops, ay gumamit naman ng quartz. Na ayon kay Justine, ay pinakamagandang materyales. Isa nga itong non-porous at agad na naaalis ang anumang stains na kakapit rito.

Binigyang-diin naman ni Justine na mas mahalaga sa lahat, lalo na pagdating sa pagsasaayos at pagdidisenyo ng isang area, ay kinakailangang maging professional kung saan naipapamalas ang ganda ng ideya. At mahalaga rin na maging masaya sa journey ng pagpapaganda ng bawat bahagi ng bahay.

“Just enjoy the process every step of the way in building your dream bedroom, kitchen, or home. At the end of the day, it’s nice to live in a house that you yourself know you’ve done you part in.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *