Janella Salvador, Hindi Naitago ang Pagkainis sa isang Intern Nurse sa Ospital na Pinagdalhan sakanya ng Ipagkalat nito ang Tungkol sa kanyang Pag Bubuntis

Bilang isang magulang nagiging responsibilidad natin na protektahan ang ating mga anak lalo na mula sa mapanghusgang mundo. Kaya naman ito ang naging unang dahilan ng aktres na si Janella Salvador kung bakit itinago niya muna sa publiko ang kanyang pagbubuntis. Dahil na rin sa kadahilanang gusto ni Janella na maging tahimik muna ang kanilang buhay at malayo sa isyu ng mga mapanghusgang tao. Ngunit tunay ngang walang lihim na hindi nabubunyag.

Kamakailan nga lamang sa youtube vlog ng mag-asawang vlogger na sina Slater Young at Kryz Uy na “Skypodcast” kung saan naging guest si Janella. Sa vlog na ito, ibinahagi ni Janella ang kanyang naging pregnancy journey ni Janella. Isinalaysay ni Janella kung paano niya sinabi sa kanyang mommy na si Jenine Desiderio ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. Ngunit ayon kay Janella, sa ibang tao di-umano unang narinig ng kanyang mommy Jenine ang tungkol sa kanyang pagbubuntis at hindi daw mula sa kanya.

“I think she found out because of, I think may kumalat. The annoying thing is, before I was able to tell her…because I told her when I was four months na. ‘Cause I was really nervous about it. I didn’t tell her agad. I was super nervous,”

Photo credits: google.com

payahag ni Janella. Inamin ni Janella na talagang nainis siya sa isang intern ng ospital kung saan siya nagpapa check-up. Dahil ang intern di-umano na ito ang nagkalat ng kanyang kanyang pagbubuntis.

Photo credits: janella salvador | IG

Aniya, “I already had my check-up when I went to the hospital. One of the interns, like, spread the news. So, it was kind of scary. I was so pissed honestly, ‘cause these are things that you would want to tell your family members personally.”

Kaya natakot daw talaga siya sa kung ano ang magiging reaksiyon ng kanyang mommy kapag nalaman nito na siya ay magkaka-anak na.

Ika pa ni Janella, “When I told her that I was pregnant, it was via video call lang…So, I had to call her. I was so nervous. I had to call her via video call and she was poker face lang.” Kaya naman nung sinabi niya sa kanyang mommy na siya ay buntis tila hindi na daw ito nagulat. “When I told her, ‘Mama, I need to tell you something,’ganyan. And then she was, ‘What? You’re pregnant?’ It was so scary”.

Photo credits: janella salvador | IG

Dahil sa pumutok na balitang siya ay nagda-dalangtao lumipad sina Janella papuntang London kasama ang kanyang mommy at kapatid. Sila ay nanirahan sa London kung saan ito ang lugar ng kanyang boyfriend na si Markus. Sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas, proud na ibinahagi nina Janella at Markus ang kanilang pagiging certified mommy at daddy sa pamamagitan ng kanilang vlog sa youtube.

Photo credits: janella salvador | IG

Masaya namang ibinabahagi ni Janella ang kanyang pagiging isang mommy, hindi na mahalaga sa kanya ang sasabihin ng ibang tao. Dahil ang mahalaga sa kanya ngayon, ay ang maprotektahan ang kanyang anak sa mata ng maraming tao.