Connect with us

Entertainment

Isang Matandang Lakaki Kinahabagan at Hinangaan Dahil sa Kabila ng Kanyang Kapansanan ay Nagagawa Pa Ring Maghanap Buhay Katulong ang Mga Alaga Niyang Aso

Sa hirap ng panahon ngayon ay batid natin na marami sa ating mga kababayan ang talaga namang labis na nakakaranas ng kahirapan. Kung saan ang iba pa nga, sa kabila ng pagkakaroon ng kapansanan o may iniindang sakit sa katawan ay nagagawa pa ring kumayod upang masustentuhan lamang ang sarili o pamilya sa pang-araw araw na pamumuhay.




Kagaya na nga lamang ng isang lalaki na kamakailan lamang ay umagaw ng pansin at kinaantigan ng puso ng mga netizens, matapos ngang kumalat ang larawan at video nito sa social media na ibinahagi ng isang netizens na kinilalang si Argem Grace Anne Orcado.

Makikita nga sa mga nagkalat ng larawan na ang matandang lalaki ay mayroong kapansanan dahil sa kanyang paika-ikang paglalakad, ngunit sa kabila nga ng kalagayan niya ay patuloy pa rin siyang naglalakad upang makapaghanap-buhay.

Base sa ulat, ang hanap-buhay ng naturang matanda ay nagkukumpuni ng mga sirang payong.

Hindi nga lamang ang kanyang kalagayan ang nakakaantig ng damdamin, dahil umantig din sa puso ng marami ang makita na kasa-kasama nito ang kanyang mga alagang aso sa pag-iikot, kung saan ang mga ito nga ang humihila ng kanyang mga kagamitan na ginagamit sa pagkukumpuni.




Umani naman ang post na ito ng maraming paghanga mula sa mga netizens , at bumuhos nga ang napakaraming mga komento na karamihan nga sa nilalaman ay sana’y may taong makatulong sa naturang lalaki at sa mga alaga nga nitong aso.

Ang iba nga sa mga nagkomento ay naawa sa kalagayan ng lalaki, at napansin pa na mas malusog pa ang mga alaga nitong aso kaysa sa kanya.

Narito nga ang ilan sa mga komento ng mga netizens.

“Nakakaawa sila pareho. Not just the dogs. Yung katawan ng aso mas mukha pang malusog kesa kay tatay. Come to think off guys sa halip na kamag anak or pamilya ni tatay (if meron) ang tumutulong sa kanya, yung mga fur babies pa ang gumagawa. We can’t judge him. Mukhang naturuan ng maayos ang mga aso. Trust me hindi gagawin ng aso yan kung salbahe ang amo. Good example to ng perfect bond ng furparent at furbaby. Don’t be one sided nakakaawa sila pareho. Sana matulungan sila.”




“Nakakaawa silang tingnan sana may mag-abot sa kanila ng pera o kahit dog food para din sa mga dogs para mas lumakas pa sila mabigat din po kasi hinihila nila.”
“God bless po tatay at sa mga alaga niyong matulungin sa inyo.”

“Ito dapat yung pagtuunan ng pansin ng ating gobyerno, nakakaawa sila, life is so unfair talaga.”

error: Content is protected !!