Isang Magsasaka, Nakatangap ng Boquet of Money na Nagkakahalaga ng P200,000 sa kanyang Kaarawan

Labis na kaligayahan na may halong pagkabigla nga ang naramdaman ng isang magsasaka ng makatanggap siya ng bonggang regalo na sa buong buhay niya ay ngayon nga lamang siya nagkaroon. Kinilala nga ang magsasaka na si Larry Longboy na taga Dingrasm Ilocos Norte.

Noon ngang araw ng kaarawan ni Mang Larry ay mayroon siyang natanggap na delivery na nagpagulat sa kanya at nagbigay ng labis na kaligayahan.

Paano ba naman, isang napakalaking boquet na naglalaman ng limpak na salapi ang kanyang natanggap mula sa nagdeliver, at ayon nga rito ang naturang money bouquet ay surprise gift kay Mang Larry ng kanyang mga kapamilya na nasa ibang bansa.

Ang labis na kasiyahan nga ni Mang Larry ng matanggap ang money bouquet ay makikita sa larawan na ibinahagi ng BBs Sweets sa kanilang Facebook page. Dito kasi pinadaan ng mga kapamilya ni Mang Larry na nasa ibang bansa ang sorpresa nila para rito. Isa kasi ang BBs Sweets sa mga popular na online business ngayon na maari mong kontakin kung may nais kang bigyan ng sorpresa na mahal mo sa buhay sa kahit ano mang uri ng selebrasyon.

Kung noon ay naliligayahan na tayo kapag nakatatanggap tayo ng kumpol na bulaklak, paano pa kaya kung kumpol na pera ang matanggap, kagaya na nga lamang ng natanggap na sorpresa ni Mang Larry.

Wala ngang pagsidlan ang makikitang ngiti ni Mang Larry ng matanggap niya ang sorpresa na ito sa araw mismo ng kanyang kaarawan.

Mula nga sa natanggap na pera ni Mang Larry na sorpresa sa kanya, ay naisipan niya itong ibili ng traktora na mapakikinabangan nga niya at magagamit niya upang mapabilis at mapadali ang kanyang pagsasaka.

Nagpasalamat naman ang isa sa mga kaanak ni Mang Larry na nasa ibang bansa sa BBs Sweets.

Narito nga ang kabuuan ng Facebook post ng BBs Sweets sa naging pagbigay nila ng sorpresa kay Mang Larry.

“Isang magsasaka sa Dingras Ilocos Norte ang nakatanggap ng halagang 200k. Dahil nahihirapan siyang magbabad sa bukid kasama ang kalabaw ganun na rin ang kanyang edad kaya naisipan ng nagmamahal sa kanya, lalo na sa abroad na bigyan siya ng regalo at eto ang bumili ng sasakyang pang bukid (tractor). Ginamit ang aming serbisyo para ipaabot ang kanilang pagmamahal para kay Tatay Larry.”

“Ang kabutihan ng isang tao ay may magandang epekto sa iba. Makikita sa gawa ang magandang katangiang ito. Hindi matutumbasan nga talaga ng anumang HALAGA ang SAKRIPISYONG iyong ibinuhos para sa iyong pamilya, kaibigan o sa ibang tao. Darating ang araw na BLESSING din ang igagawad sa kabutihang iyong pinamalas tatay Larry!”

Napa-sana all nga ang maraming mga netizens dahil sa sorpresang natanggap ni Mang Larry mula sa kanyang mga mahal sa buhay. Hinangaan rin ang naturang magsasaka dahil sa naging tamang pag gamit niya ng malaking halaga na kanyang natanggap , kung saan ay mas naisip nga ni Mang Larry na ibili ito ng isang kapaki-pakinabang na gamit sa kanyang hanap-buhay.
Sinaluduhan rin ng mga netizens ang mga mahal sa buhay ni Mang Larry na nasa ibang bansa na nagregalo nga rito ng malaking halaga na malaki ang naging tulong sa kabuhayan nito.