Isang Batang Parking Boy, Hinahangaan Matapos Magpakita ng Munting Kabutihan sa Isang Babaeng Nag-aantay at Nagugutom na sa Loob ng Sasakyan

Tunay ngang ang pagtulong sa kapwa ay maaring gawin ng kahit sino. Mapa-matanda o isang musmos man na bata ay kayang-kayang magpakita ng tulong sa kanyang kapwa sa simple o munting pamamaraan na kanyang makakayanan.

Kagaya na nga lamang ng isang bata na kamakailan lamang ay umani ng paghanga mula sa mga netizens. Ito ay dahil kahit na siya’y isang parking boy lamang, ay nagawa niya pa ring magpakita ng kabutihan at pagtulong sa kapwa, sa munting pamamaraan niya.

Makikita sa isang Facebook post ng netizens na si Joy Anne Vicente ang naging pagbabahagi nito ng kabutihang ipinakita sa kanya ng isang batang parking boy. Ayon nga sa kanya, ay nagulat din siya sa ginawa nito, kung saan ay inabutan nga siya nito ng munting tulong kahit hindi naman umano siya humihingi.

Photo credits: Joy Anne Vicente | Facebook

Talaga namang para kay Joy Anne ay isang nakaka-touch ang karanasan niya sa bata, kung kaya naman ito’y kanyang ibinahagi sa social media na umani nga ng napakaraming papuri para sa kabutihang ginawa ng batang parking boy.

Photo credits: Joy Anne Vicente | Facebook

Base sa naging paglalahad niya, nasa parking lot siya ng OWWA at naghihintay nang lapitan nga siya ng bata na kinilala niyang si Joshua.

“Unang pasok ko sa parking, sa likod lang ako ng isang sasakyan nagpark. So, nung aalis na yung sa nasa harapan ko, kinakailangan kong lumabas na mauna to give way ang this kid guided me.
“Inabutan ko lang siya ng barya and nag-thank you ako. Mga 12:20, pumunta sya sa tabi ng sasakyan asking if I’m okay kasi lunch time na”, ang naging saad ni Joy Anne.

Ibinahagi naman ni Joy Anne ang naging pag-uusap nila ng parking boy na si Joshua.

Photo credits: Joy Anne Vicente | Facebook

Pagkukwento ng dalagang si Joy Anne, nagka-usap sila ng bata habang siya ay nasa loob ng sasakyan at ito naman sa nasa labas. Nag-umpisa ang kanilang usapan ng tanungin niya ito kung bakit nasa labas ito, ganung ipinagbabawal na lumabas ngayon ang mga bata dahil nga sa paglaganap ng pandemya.

Photo credits: Joy Anne Vicente | Facebook

Naitanong nga niya rito kung ito ito ba ay kumain na, at ang sab inga nito ay katatapos lang at nakikain lang umano ito sa mga security guard ng parking area.

Dito nga rin siya tinanong ng bata kung siya ba ay wala pang balak kumain, kasi halos lampas ng tanghalian. At ang sagot niya nga rito ay aantayin na lamang niya ang kanyang mga magulang, dahil sa wala rin siyang dalawang pitaka para makabili siya ng makakain niya.

Sabi nga ng bata sa kanya, marahil ay gutom na siya dahil sa tanghalian na nga. Kaya naman nagtanong ito sa kanya, kung ano ang gusto niya kanin para bilhan na lamang siya nito sa may kantina ng nasabing establisyemento kung nasaan ang parking area na kanilang kinalulugaran.

Me: Wag na. Okay lang ako. Hintayin ko na lang sila, baka patapos na yun”, ang naging saad niya nga sa batang parking boy.

Him: May bente ka ba jan? ang sabi naman nito na inakala niya na nanghihingi nga sa kanya.

Sinabi niya nga sa batang si Joshua na puro barya na lamang ang perang nasa sa kanya. At humingi pa nga siya ng pasenya dito.

Him: Eh magugutom ka na niyan, sana dumating na mga kasama mo”, ang naging saad pa nito.

Matapos nga nito, ay umalis ang parking boy na si Joshua, ngunit hindi nagtagal ay muli itong bumalik at sa pagkakataon ngang ito ay kumatok ito sa bintana ng kanyang kotse at inabot sa kanya ang isang pirasong tron.

Photo credits: Joy Anne Vicente | Facebook

Sa naging pag-alis pala ng bata ay binilhan siya nito ng turon, at ayon pa nga dito kung binigyan siya nito ng bente ay ulam sana para sa kanya ang bibilhin nito.

“Ate oh, Turon. Binilhan kita. Di ka kasi nagbigay ng bente eh. Para sana kanin nalang binili ko, 20 lang naman na ulam pwede na.”

Ayon nga kay Joy Anne, sinabi niya kay Joshua na sa kanya na lang ang turon na iniabot nito kasi nakikain lang siya s amga security guard. At sa kaalaman nga niya, yung sampung piso na ibinigay niya dito nung tinulungan siya nitong makapag-park ng maayos ay yuna ng ibinili nito ng turon para sa kanya kasi tingin nga nito ay nagugutom na siya.

Dahil nga sa ginawa na ito ng bata, ay talagang na-touch si Joy Anne, at naisip nga niya na tunay ngang kung sino pa ang taong walang wala, sila pa yung mapagbigay at matulungin sa kapwa.