“I also hope that you understand that I’m human also”: Andi Eigenmann, Ipinagtanggol ang Sarili Matapos Siyang Ipost ng Isang Turistang Bumisita sa Siargao, Dahil sa Pagtanggi niya na Magpapicture

Laman ng social media ngayon ang darting aktres at vlogger na si Andi Eigenmann matapos ipost ng isang turistang bumisita sa Siargao dahil tinanggihan umano ni Andi ang makipag-selfie rito.

Taong 2017 nang iwan ni Andi ang buhay sa showbiz, upang mamuhay ng simple at tahimik sa isla ng Siargao kasama ang kanyang partner na si Philmar Alipayo at kanilang mga anak na si Lilo, Koa at Ellie na anak ni Andi sa dating nobyo na si Jake Ejercito. Ngunit, dahil na rin sa madalas mapanood ang kanilang mga nakakaaliw na videos sa kanilang Youtube channel, ay marami pa rin ang patuloy na humahanga at sumusuporta sa dating aktres.

Ngunit, kahit na sikat at kilala parin ng publiko,ay talagang ang nais ni Andi ay simple at tahimik na buhay.

Sa isang post na idinaan ng turista sa Facebook sa isang travel group, ay sinabi nito na kaya naman siya nagpost ng kanyang karanasan ay hindi para i-discret si Andi kundi para lamang malaman na kung ang Andi ba sa social media na humble, ay katulad rin ng Andi sa totoong buhay. Ngunit, kabaliktaran raw nito ang kanilang naranasan matapos tumanggi ang dating aktres na magpa-picture.

“This post is not to discredit Andi but we just want to know if the humble Andi on social media is the same as Andi in real life because I and my guests experienced that we wanted to take a picture with her twice but she didn’t allow us. When you heard about Siargao, one of the things that comes to your mind is their love story. So we’re excited to meet and take a picture with them but everything seems to be the opposite. We don’t judge her. We just want to know what your experience was when you tried to take a picture with her. Thanks,”mahabang linya ng nasabing turista.

Matapos namang mag-viral sa social media ang post nito, ay agad itong sinagot at binigyang linaw ni Andi. Unang nagpost sa kanyang Instagram story si Andi ng screenshot ng nasabing post ng turista na nilakipan niya ng caption na “LETS FINALLY ADDRESS THIS”.

Sinundan naman ito ng sunod-sunod na video ng pagpapaliwanag ni Andi tungkol sa isyu. Ayon nga rito, ang buong akala niya ay maiintindihan siya ng publiko kung bakit siya tumatanggi sa mga nagpapapicture sa kanya. Akala nga raw niya ay naunawan na siya sa talagang nais niya sa buhay matapos niyang talikuran ang showbiz noong 2017.

“So dati nag no lang ako and I expect people to understand na wala eh, I quit showbiz na so fo figure it na lang. But then, now, I understand that’s not the case because of our YouTube channel.”

Ngunit, dahil marami nga ang humahanga at natutuwa sa kanilang mga videos,na nagsisilbing stress reliever ng mga manonood, ay marami parin siyang mga tagasuporta at tagahanga. Humingi naman ng pang-unawa si Andi kung bakit siya tumanggi. Ayon nga sa aktres, ang Andi noon ay iba na sa Andi ngayon. Dahil ngayon nga, ay simpleng tao na lamang siya na may simpleng buhay sa isla. At may dahilan nga, kung bakit nagpasya siyang sa isla manirahan, ang mamuhay ng simple at tahimik.

“Of course, I find it super cool that you know, you love watching our videos and seeing more of our kids every day or that has becomel your stress relievers. And I find it amazing that there are a lot of you that think that our life out here is something to admire or something to achieve, ‘di ba, for yourself. But of course, I also hope that you would understand that I’m human also and there are reasons, there are a lot of reasons why I move here to the island. One of that is the peace, and simplicity, and being able to enjoy this paradise for what it is.”

Dagdag pa ni Andi, ay hindi dapat sabihin ng mga netizens na, wag siyang lumabas kung ayaw magpapicture kasi tao rin lang siya na tulad ng iba.

“Parang ang daya naman if sabihin niyo sa akin na ‘Kung ayaw mo magpa-picture, ‘wag ka lumabas.’ ‘Di ba, paano ako ‘di lalabas?”

Nilinaw rin ni Andi na hanggat kaya niyang makapagpapicture ay ginagawa niya. May pagkakataon nga raw na puro nalang pakikipagselfie ang kanyang ginawa. Ngunit, may oras talaga na abala siya o nagmamadali dahil sa mga bagay na dapat niyang unahin.

Inilabas na rin ni Andi ang kanyang saloobin sa mga bakasyunistang pumupunta sa Siargao at basta na lamang pumapasok sa bahay nila. Ayon nga sa aktres, ay nauunawaan naman niya na mabilis makapasok sa bahay nila ang sinumang tao dahil wala pa silang gate. Ngunit, hindi ibig sabihin noon ay pwede na silang pumasok ng walang pasintanbi dahil kailangan rin nila ng privacy.

Paglilinaw pa ng dating aktres, ay masaya siya dahil bumisita ang mga ito sa isla upang makita siya, ngunit ang tanging hiling niya sa mga ito, ay irespeto ang kanilang privacy dahil sila ng kanyang pamilya ay ordinaryong tao lamang.

“I really, really hope you guys respect our privacy and realize that we’re also humans and we need our to feel when we’re home, we need to feel that we are safe, and that it is a place that we can enjoy being with each other and family.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *