Hastag Wilbert Ross, Kumaripas ng Takbo Matapos Sumigaw si Ion Perez na may Nangyaring Hindi Maganda kay Meme Vice Ganda

Si Wilbert Ross ay isa sa mga miyembro ng kilalang dance group na Hashtags sa noontime variety show na It’s Showtime. Magmula nga ng makita ang angking talento, ay pinasok na rin ni Wilbert ang larangan ng pag-arte kung saan sumabak siya sa ilang proyekto na talagang ipinamalas ang kanyang husay.

Ngunit, bago pa man siya sumikat bilang isa sa mga miyembro ng Hashtags ay nag-audition muna siya sa Tawag Ng Tanghalan at Pinoy Big Brother. Habang nasa It’s Showtime, ay naging malapit naman si Wilbert sa TV host at komedyanteng si Vice Ganda. Sa katunayan nga nito, ay parang isang ina ang turing ni Wilbert kay Meme Vice at tinatawag pa nga niya itong “Ma”.

Kasalukuyang naninirahan si Wilbert sa bahay ni Meme Vice, kung saan kasama rin rito ni Meme Vice ang boyfriend nitong si Ion Perez. At nito lamang ngang ika-16 ng Abril sa vlog ni Vice at Ion ay na-prank si Wilbert kung saan ay sobra itong nag-aalala sa pag-aakalang may nangyari nang masama kay Meme Vice. At ang ganap nga ay makunan ang reaksyon ni Wilbert habang natataranta kapag may emergency sa bahay.

Bago simulan ang prank na gagawin kay Wilbert ay nag-set up na muna sina Meme Vice ng mga camera upang makunan ang reaksyon nito. Tiniyak rin ni Meme Vice na naka-locked ang mga pinto at tangin main door lang ang nakabukas para doon lang siya pwedeng dumaan.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Samantala, ang gagawing prank ay alam ng lahat pati mga Angels ni Meme Vice at tanging si Wilbert ang hindi nakakaalam sa mangyayari. Sinimulan na nga ni Meme Vice ang gagawin prank nang pasukin na nito ang silid kung saan naglalaro sina Wilbert at Ion.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Ang camera naman na sinet-up ni Ion, sa pagkakaalam ni Wilbert ay para sa kanilang PS5 game vlog, ngunit ito nga ay para sa gagawing prank. Nailabas na naman nga ni Vice at Ion ang kanilang acting skills para magmukhang makatotohanan ang kanilang prank.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Habang naglalaro ng PS5 ay umalis si Ion sa kanyang kinauupuan upang silipin ang kunwaring napahamak na si Meme Vice. At bigla na lang ngang sumigaw si Ion na ihanda ang sasakyan. Dahil nga, hindi maipinta ang mukha ni Ion, ay bigla na lang nataranta si Wilbert sa kung anong gagawin. Bigla na lang itong lumundag sa kinauupuan at dali-dali namang binuksan ang pinto ng silid para bumaba at ipahanda sa driver ang sasakyan.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Tumakbong bumaba si Wilbert sa hagdan ng napakalaking bahay ni Meme Vice. At pagdating nga nito sa garahe, ay hindi na ito makapagsalita ng maayos sa sobrang pagod at hinihingal pa. Matapos makausap ang driver, ay nagmamadaling muling bumalik si Wilbert sa silid kung saan sila naglalaro ni Ion. At pagdating nga don, ay laking gulat ni Wilbert dahil naroon si Meme Vice na prenteng nakaupo na tila ba walang nangyari.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Habang nagki-kwento si Wilbert ay makikita na hinihingal pa ito. Ikwinento rin nito na tinaguan umano siya ng mga Angels. Tila naguguluhan nga si Wilbert sa nangyari. Sa huli ay mismong si Wilbert rin ang nakabisto na prank lamang ito, sabay turo nga sa camera na sinet-up kanina ni Ion. Ang pagod sa pagtakbo sa hagdan, at hingal ay napalitan ng malaking ngiti sa kanyang labi.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Makikita naman na talagang nataranta sa sobrang pag-aalala si Wilbert sa pag-aakalang may nangyari ng masama sa kanyang Mama Vice. Patunay lamang nito na talagang mahal na mahal ni Wilbert si Meme Vice, na parang tunay na ina na ang turing rito.

PRANKabogable In Tandem - ViceIon Inistress Si Wilbert | VICE GANDA