Connect with us

Stories

Glaiza De Castro, Nagbigay Inspirasyon sa mga Netizens Matapos Ibahagi ang Karanasan sa Long Distance Relationship nito sa Irish Fiancé na si David Rainey

Pagdating sa buhay pag-ibig, ay talagang nasusubok natin ang katatagan ng ating relasyon sa ating iniibig sa kabila ng anumang pagsubok at hamon na kaakibat ng pagmamahal sa isa’t isa. At masasabi na isa sa pinakamahirap na kalaban ng dalawang pusong nagmamahalan ay ang layo ng distansiyang nakapagitan sa kanila. Sila nga ang mga nagmamahalang nasa ilalim ng long distance relationship.

Napakahirap naman talaga kapag kayo ng iyong iniibig ay LDR. Doble ang lungkot na nararamdaman. At dahil nga nasa magkaibang lokasyon, ay kailangan rin ng adjustment upang magkaroon ng oras sa isa’t isa para makapag-usap man lang. Kinakailangan rin ng matinding tiwala para malampasan ang bawat pagsubok na darating sa relasyon.

Photo credits: Glaiza De Castro | IG

At ngayong panahon ng pandemya, ay maraming LDR ang apektado dahil sa muling pagbabawal na pagbiyahe sa malalayong lugar o kaya naman ay may ipinatupad na travel ban. Isa na nga rito ang aktres na si Glaiza de Castro na miss na miss na ang kanyang Irish fiancé na David Rainey.

Gustuhin man ni Glaiza na lumipad patungo sa kinaroroonan ng kanyang fiancee ay hindi niya magawa. Kaya naman, kamakailan lamang ay ibinahagi niya ang kanyang saloobin sa Instagram sa pagkakaroon nila ng long distance relationship.

Photo credits: Glaiza De Castro | IG

Matapos maengaged noong nakaraang buwan ng Disyembre sa kanyang Irish boyfriend matapos ang ilang taong relasyong bilang magkasintahan, ay ibinahagi ni Glaiza ang kanyang karanasan kung paano niya nalalampasan ang long distance relationship nila ng kanyang fiancee. Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ng aktres ang video ng pre-nuptial shoot na kuha sa Ireland noong Enero ng mahusay na wedding photographer at director na si Paul Doherty.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux)

Bungad nga ni Glaiza sa kanyang post, ay napakahirap gumawa ng paraan kung paano makakasama ang mahal sa buhay dahil sa ipinatulad na travel ban. At isa nga siya sa apektado,na kung noon ay napakahirap na ng LDR, ay mas nadagdagan pa ang hirap dahil sa nararanasang pagtaas ng mga positibong kaso ng nakakahawang sakit na COVID-19.

“It’s been almost a year since the Philippines imposed the travel ban. If booking flights used to be so easy, sometimes surprisingly affordable, now it’s a conundrum of trying to find ways on when or how you will see your loved one/s again.”

“Yes, I’m one of those affected by this not because I’m itching to book my next travel destination but because I’m in a long-distance relationship made more difficult because of this pandemic.

“Anyone who’s in the same situation as me probably checks updates everyday hoping things will change. But as covid cases continue to grow, I guess we have to accept the fact that it’s not gonna happen anytime soon.”

Photo credits: Glaiza De Castro | IG

Dahil nga dito, ay talagang nasusubok ang kanilang tiwala sa kabila ng mga pagsubok na kaakibat ng pagkakalayo. Ayon pa sa aktres, bagamat mahirap ay kailangang manalig na balang araw ay nagbubunga rin ang paghihirap at sakripisyo.

“So our faith is constantly tested, our creativity is challenged and though it is overwhelmingly hard, we continue to hope knowing that one day, it will all be worth it.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux)

Ipinaliwanag rin ni Glaiza kung ano nga ba ang kinalaman ng video sa kanyang post. Ayon nga sa aktres, ito ay isang patunay na kwento na hindi hadlang ang long distance relationship upang mapatatag at mapatunayan ang pagmamahal sa isa’t isa.

“So what’s the connection of this video?
“This is the story of how we persevere, how we try to make each other feel that distance is never going to be a hindrance in keeping our relationship. As simple as it may seem, these (excerpts from) letters played a huge part in our journey and we want to share this with you.”

error: Content is protected !!