“From Rags To Riches”: Kilalanin ang Ilan sa mga Sikat na Celebrity sa Showbiz na Lumaki sa Hirap at Nabago ang Buhay Matapos Makamit ang Tagumpay

Sa buhay, hindi lahat ay mapalad na ipinanganak na may maginhawa at marangyang pamumuhay. Katulad na lamang nga ng mga sikat na celebrity sa showbiz, na nagmula sa mahirap na pamilya, at lumaki sa hirap ngunit dahil na rin sa kanilang pagsusumikap ay nagawa nilang mabago ang kanilang buhay at makamit ang tagumpay.

Hindi man madali ang daan patungo sa tagumpay, ang hindi pagsuko at patuloy pag-abot sa pangarap upang mabago ang buhay ang kanilang naging lakas at inspirasyon.

Kilalanin ang ilan sa mga sikat na celebrities sa showbiz na lumaki sa hirap ngunit nabago ang buhay matapos makamit ang tagumpay.

1. Vice Ganda

Kitang-kita naman talaga ang layo ng narating na tagumpay ng komedyante at TV host na si Vice Ganda sa marangyang pamumuhay niya ngayon. Ngunit, bago pa man marating ni Meme Vice ang tagumpay na tinatamasa ngayon, ay naranasan niya ang hirap. Ang tanging kabuhayan ng kanilang pamilya noon ay pagtitinda ng basahan.

Ngunit nang masawi ang kanyang ama, ay kinailangang mangibang bansa ng kanyang ina upang magtrabaho bilang care giver. At dito na rin gumawa ng paraan si Vice, upang makatulong sa kanyang pamilya. Pinasok nga ni Vice ang iba’t ibang raket tulad ng pagiging stand up comedian sa mga comedy bar hanggang sa mapanood na siya sa telebisyon. At ngayon nga, ay isa na siya sa pinakasikat at highest paid artist sa industriya ng showbiz sa bansa.

2. Jericho Rosales

Bago pa man makamit ng aktor na si Jericho Rosales ang tinatamasang tagumpay ngayon, ay dumaan siya sa matinding hirap. Sa katunayan nga nito ay iba’t ibang trabaho ang pinasok niya para lamang mapunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Naranasan ni Jericho ang mangolekta ng discarded wires at dyaryo upang maibenta sa junkshop. Buko pa nga rito, ay naglako rin siya ng ice buko at nagtinda ng isda sa palengke.

Naging jeepney barker, pizza boy at driver rin siya. Sa kabila nga ng mga pagsubok na naranasan, ay hindi sumuko si Jericho para maiahon sa hirap ang kanyang pamilya. At ngayon nga, ang kanyang kasikatan sa showbiz industry sa ating bansa ay hindi maikakaila.

3. Erich Gonzales

Lingid sa kaalaman ng marami, ay laki rin sa hirap ang napakagandang aktres na si Erich Gonzales. Lumaki si Erich ng wala sa tabi niya ang kanyang ama. At naranasan rin ng kanilang pamilya na tumira sa isang makeshift house na malapit sa simbahan.

Dahil nga sa hirap ng buhay, ay nakipagsapalaran siya sa pag-aartista nang sumali sa talent reality competition na Star Circle Quest. Pinalad na magwagi si Erich sa nasabing kompetisyon noong 2004. Kasabay nito ay ang pagbubukas ng pinto ng oportunidad sa aktres. At ngayon nga ay isa na siyang matagumpay na aktres sa showbiz na hinahangaan ng lahat.

4. Maymay Entrata

Ang pagiging Big Winner sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7 naman ang naging daan ng aktres na si Maymay Entrata upang makamit ang tagumpay. Ngunit, bago pa man makamit ni Maymay ang pagbabago ng kanyang buhay, ay bukas na sa publiko ang uri ng pamumuhay ng kanilang pamilya kung saan ay may mahirap na buhay.

5. Pia Wurtzbach

Hindi rin madali ang pinagdaanan ng Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach. Si Pia ang breadwinner ng kanilang pamilya, kaya naman sa edad na 11 ay pinasok na ni Pia ang modelling at acting para makatulong sa kanyang pamilya. Pumasok rin siya bilang waitress at factory worker, ngunit bumalik siya sa mundo ng acting hanggang sa pasukin na rin niya ang mundo ng beauty pageant.

Matapos nga magwagi bilang Miss Universe noong 2015, ay tunay na nakamtam ni Pia ang malaking pagbabago sa kanyang buhay na siyang dahilan ng tinatamasa niyang tagumpay ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *