‘From Labandera to Milyonarya’ 45 Taong Gulang na Ginang na Dating Labander Isa na ngayong Milyonarya, Ibinahagi ang kanyang Pinagdaanan

Tunay ngang ang buhay ng isang tao ay maikukumpara sa isang gulong. Ito ay dahil nga sa patuloy na umiikot ang ating mga buhay, at hindi nangangahulugan na ngayon ay mahirap ka ay mananatili ka ng mahirap. Sapagkat maaring umikot din ang iyong kapalaran kung saan ang kaginhawaan na pinapangarap ng marami ay iyo ring makamtan lalo na kung ito’y sasabayan mo ng pagsusumikap, kasipagan at determinasyon.

Kamakailan nga lamang ay natunghayan ng publiko ang isang puno ng inspirasyon na buhay ng isang 45-anyos na Ginang, na kung saan mula sa kanyang buhay noon na naglalabandera lamang ngayon nga ay ubod na ito ng yaman at milyonarya na.

Ang kuwento ng buhay ng Ginang ay ipinalabas sa programang “Rated K”, at dito nga napag-alaman na ang naturang Ginang ay si Cristel Gardoce Bulabon, ang tinagurian ng Antipolo City na “Pinay Cinderella.”
Base sa naging paglalahad, maagang namulat sa pagbabanat ng buto si Cristel. Dahil pitong taong gulang pa lamang siya ng magsimula siyang magtrabaho para sa kanyang mga kapatid. Sila umano noon ay nakikitira lamang sa tahanan ng kanilang Tiyuhin sa Bacolod.

Photo credits: Korina Sanchez | Facebook

Ayon nga sa kanya, noon ay kinakailangan niya pang mag-igib ng sampung balde ng tubig para lamang makakain sila ng kanyang mga kapatid.

“I was actually six when they [parents] left, tapos naiwan sa akin ‘yong mga kapatid ko. Second to the eldest ako, kaya lang sa aming magkapatid ako ‘yong tumayong eldest dahil medyo weakling ‘yong brother ko”, ani ni Cristel.

Photo credits: Korina Sanchez | Facebook

Naranasan niya rin umano ang maging tagahugas ng plato at maging tindera ng kanilang kapitbahay sa mura niyang edad.

Photo credits: Korina Sanchez | Facebook

Sila naman ay umalis sa poder ng kanyang Tiyuhin ng minsang maabutan niya ang kanyang bunsong kapatid, na nakatali ang leeg sa sintas ng sapatos sa dulo ng mesa. Nakitira sila sa isang bakanteng kubo ng kanilang kapitbahay, at nang siya nga ay nagtitinda na ng mga kakanin ay sinasama na niya ang kanyang bunsong kapatid.

Hindi naman nagtagal ay muli silang binalikan ng kanilang mga magulang. Dinala sila ng mga ito sa Antipolo, kung saan ay malapit sa dumpside ang kanilang tinitirhan. Kalaunan ay iniwan din silang magkakapatid ng kanilang magulang.

Upang mabuhay sa gitna ng dumpsite ay namamasura sila ng kanyang mga kapatid. Bukod pa dito, ay nagsimula din siyang tumanggap ng mga labahin sa mga bahay-bahay, kung saan habang dala ang kanyang labahin ay halos limang kilometro nga ang kanyang nilalakad para lamang sa ilog na matatagpuan sa may baba ng bundok.

Nakapag-asawa si Cristel Bulabon ng siya ay 18-taong gulang, kung saan dahil sa pagiging bayolente ng kanyang napangasawa ay nakaranas siya ng pisikal at sekswal na pang-aabuso. Maliban pa dito, maging ang kanilang naging anak ay nagawa ring saktan nito sa pamamagitan ng paglunod dito, kaya naman upang protektahan ang anak ay napalo niya ng bote sa ulo ang kanyang bayolenteng mister.

Nang magtatangka na nga umano siyang tatakas kasama ang kanyang mga anak, ay naaubutan naman siya ng mga kamag-anak ng kanyang mister at walang-awa nga siyang pinagbubogbog ng mga ito.

“Lumabas ako ng bahay namin, hindi ko alam kung ako pa ba ‘yon. Wasak ‘yong mukha, may mga peklat ako rito and you can still see the scars.”

Photo credits: Korina Sanchez | Facebook

Dahil sa pagiging desperada niya na makahanap ng bagong trabaho ay namasukan siya bilang isang GRO, at dito na nga niya nakilala ang taong nagpabago sa kanyang kapalaran.

Siya ay pinag-apply nito sa isang kumpanya bilang isang telephone operator, nakuha nga niya ang trabaho at hindi nagtagal ay napunta siya sa sales.

Photo credits: Korina Sanchez | Facebook

Dagdag na saad pa niya nakapag-abroad din siya at ng malabalik nga sa bansa ay nagtayo siya ng negosyong computer shop. Kasunod nito ay nagtayo siya ng karinderya, at isang diving company.

Nang makapag-ipon na nga gamit ang perang kinita niya sa kanyang mga itinayong negosyo ay nag-franchise naman siya ng isang food cart, at dito na nga mas lalong nagbago ang estado ng kanyang buhay. Dahil sa lumago ang negosyo niyang ito.

Dahil nga sa kanyang determinasyon, kasipagan, pagtyatiyaga ay nagbago ang kapalaran ni Cristel. Magmula nga sa pagiging labandera ay nagmamay-ari na siya ngayon ng isang dampa na restaurant sa Antipolo at ang food cart business niya ay labing dalawa na. Maliban pa sa mga ito ay nagmamay-ari na rin siya ng bar at resto.

Photo credits: Korina Sanchez | Facebook

“I never beg. Never akong namalimos. Kasi malakas naman ang katawan ko at maraming resources ang paligid natin. So, why not work?”, ani ng ani Cristel Bulabon.

Ngayon nga ay malayong malayo na ng buhay niya sa dati, dahil kung noon ay nakikitira lamang sila ngayon ay mayroon na siyang sariling bahay at apat na ang kanyang mga sasakyan.

Photo credits: Korina Sanchez | Facebook

Photo credits: Korina Sanchez | Facebook

Kumikita rin siya ng hindi baba sa P500,000 kada buwan. Ngunit sa kabila ng napakalaking pagbabago sa estado ng kanyang buhay, ay nanatiling mapagkumbaba at tumutulong si Cristel sa mga taong batid niyang nangangailangan.

Labandera to Milyonaryo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *