‘Di mo ako iniwan o pinabayaan’: Megastar Sharon Cuneta, Binigyang-pugay at Pinasalamatan ang Kabutihan ng kanyang Driver na Kasama niya sa Loob ng 35 Taon

Sadyang taglay na ng aktres at tinaguriang Megastar sa industriya ng showbiz na si Sharon Cuneta. Dahil nga sa kanyang ginintuang puso, ay maraming tao ang talagang malapit sa kanya.

Isa na nga rito ang kanyang driver sa kasama na niya sa loob ng 35 taon na si Nelson Siason na tinatawag niya ring Dodong. Si Dodong ay isang saksi kung gaano kabuti ang puso ng Megastar, at nasaksihan rin niya ang pagiging totoo at katapangan nito bilang isang ina, asawa at babae.

Photo credits: Sharon Cuneta | IG

Isang mensahe rin ang ipinaabot ni Dodong na nagpapatunay sa kabutihan ng pamilya ng Megastar. Nagpasalamat rin si Dodong sa pagkakataong ibinigay sa kanya ni Sharon, upang paglingkuran ang kanilang pamilya.

Photo credits: Sharon Cuneta | IG

Samantala, sa loob ng mahabang panahong serbisyo ni Dodong sa kanilang pamilya, ay talagang nakita ni Sharon ang pag-aalaga at sakripisyo nito. Kaya naman, sa Instagram account ni Sharon nito lamang ika-1 ng Abril, ay ipinaabot niya ang isang mensahe na puno ng pasasalamat sa kanyang driver na si Dodong. Sa kanyang post, makikita ang isang lumang litrato na kuha noong 1986 kung saan ay kasama niya si Dodong.

Photo credits: Sharon Cuneta | IG

Unang pinasalamatan ng Megastar ang hindi nito pag-iwan sa kanya sa kabila ng marami nilang pinagdaanan.

“Awww ang aga-aga ito naman driver kong si Nelson pinaiyak ako! Thanks so much Dodong sa walang humpay at tapat mong pag-alaga sa akin at sa mga mahal ko sa buhay. Napakadami na nating napagdaanan at di mo ako iniwan o pinabayaan,” saad ni Sharon.

Photo credits: Sharon Cuneta | IG

Ipinaabot rin Sharon ang mensahe na mababakas ang kanyang pagmamahal sa kanyang driver at sa pamilya nito. Hiling rin ng Megastar ang kaligtasan ng pamilya nito ngayong panahon ng pandemya.

“Mahal na mahal kita at ang pamilya mo! God bless you always. Ingat kayong lahat ng extra nitong mga panahon na ito nakakatakot na ang Covid!❤️🙏🏻😊🥰,” dagdag pa ng aktres.

Photo credits: Sharon Cuneta | IG

Pagbabahagi naman ng Megastar, si Dodong ay unang nagtrabaho sa ama ng kanyang anak na si KC Concepcion, na si Gabby Concepcion. Ngunit, noong naghiwalay umano sila ng dating asawa, ay mas pinili ni Dodong na sumama sa kanya.

“(Driver po siya ng Papi ng panganay kong anak. Nung naghiwalay kami, sa akin s’ya sumama. Parang tama naman ang desisyon mo Dong ano?!😊😊😊🤗🙏🏻🙏🏻🙏🏻❤️) @siasonnelson,” ani Sharon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *