Dawn Zulueta, Proud na Ibinahagi ang Kanyang “Uban Legend” Challenge na Talaga nga Namang Bagay na Bagay sa Kanya

Isang primiyada at batikan na aktres ng pelikulang Pilipino si Dawn Zulueta. Hindi lang siya nakilala dahil sa kanyang galing sa pag-arte kundi pati na rin sa angking kagandahan nit, na kahit noong kanyang kabataan pa lamang ay tila nakikita na. Isa rin si Dawn sa mga award winning actress mag-mula noon at magpa-hanggang ngayon.

Credits: Dawn Zulueta | Instagram

Sa kabila ng kanyang edad hindi ito mahahalata sa kanyang napaka-gandang mukha. Isa sa mga challenge ngayon ni Dawn, ay ang baguhin ang isa sa kanyang mga physical features at ito nga ay ang kanyang buhok.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Dawn ang pagbabago ng kulay ng kanyang buhok. Pagbabahagi ni Dawn, simula nung nagsimula ang pandemiya hinayaan na niyang lumabas ang tunay na kulay ng kanyang buhok.

Credits: Dawn Zulueta | Instagram

Ito nga ang kulay silver at grey niya na buhok kung saan ito ay maituturing na uban sa mga nagkaka-edad na at proud naman itong ibinahagi ng aktres. Kaya naman marami sa kanyang mga followers sa kanyang Instagram ang namangha sa kulay ng kanyang buhok, at ang isa nga sa kanyang follower ang nagtanong kung totoong kulay silver ang kanyang buhok. Agaran naman itong sinagot ni Dawn na ito na talaga ang totoong kulay ng kanyang buhok ngayon.

Ayon sa aktres, simula daw nung nagkaroon ng pandemiya nagpasiya siyang maging kulay uban na ang kanyang buhok at sa loob nga ng isang taon naging maganda ang kinalabasan ng kanyang buhok. Dahil sa ganda ng itsura ng kanyang buhok hindi halatang ito ay totoong uban na pala. Tila marami ang nagsasabing nahahawig si Dawn kay Princess Diana dahil sa new look ng kanyang buhok.

Credits: Dawn Zulueta | Instagram

Unang ibinahagi ni Dawn ang tinatawag niyang “Uban Legend” Challenge noong April 2020 at simula nun lagi siyang nag-uupdate ng status ng kanyang buhok. Sa bawat araw nga na lumilipas ay tila nakikita na ang pagka-silver ng kanyang buhok. Mas lalo pa niyang pinaganda ang kanyang buhok na ginawa niyang “silver and gold” ang kulay upang magkaroon ito ng color blending. Kaya naman, sa kanyang kamakailan lamang na ika-52 taong kaarawan ay kitang-kita na ang kanyang maganda at mala Princess Diana na looks.

Credits: Dawn Zulueta | Instagram

Sa kagandahang taglay Dawn, sinong mag-aakalang siya 52 years old na. Sa larawang kanyang ibinahagi, makikita na mukhang nagpa-tagumpayan ni Dawn ang kanyang “Uban Legend” Challenge.