Dating PBB Housemate na si Tricia Santos, Hindi Ipinagpatuloy ang Showbiz Career Dahil sa Hindi Magandang Pinagdaanan at Karanasan

Ang reality tv show na Pinoy Big Brother ng ABS-CBN, ang laging inaabangan ng mga manonood. At ang Teen Clash Edition noong 2010, ang naging kontrabersiyal na Teen Edition ng PBB.
Natatandaan niyo pa kaya si Tricia Santos? Kung saan siya ang housemate na talagang pinag-usapan ng lahat.

Photo credits: Tricia Santos | IG

Kung inyong matatandaan, si Tricia ay isa sa mga pinaka-inaayawan ng kanyang kapwa mga housemates. Ito ay dahil sa pagkakaroon niya ng strong personality na pakiramdam tuloy ng kanyang kapwa mga housemates ay lagi siyang superior sa bawat task. Ngunit magkaganun pa man, kanya pa ring pinatunayan ang kanyang kakayahan na maging isang sikat na personalidad kahit na marami ang may ayaw sa kanya.

Photo credits: Tricia Santos | IG

Ang kanyang pananatili sa loob ng bahay ni kuya ay hindi rin nagtagal dahil siya ay na-evict sa Pinoy Big Brother house. Sa kanyang paglabas may mga opportunidad din namang nag-aantay sa kanya kagaya na lamang nang siya ay naging co-host ni Mariel Rodriguez sa PBB Teen Edition afternoon show. Ngunit, ang kanyang kinang sa harap ng camera ay tuluyan ding nawala. Ang tanong ng marami niyang mga tagahanga at tagasuporta, nasaan na nga ba si Tricia Santos ngayon, pagkatapos niyang iwanan ang showbiz?

Photo credits: Tricia Santos | IG

Sa mga iilang ulat tungkol sa kanya, nagdesisyon talaga ang dalaga na iwanan ang showbiz dahil tila nararamdaman niya na hindi para sa kanya ang pag-aartista. Kaya naman mas pinili niya ang karerang talagang magpapasaya sa kanya at ito nga ang kanyang pangarap na maging isang sikat na athlete. Paglabas niya ng PBB house, ipinagpatuloy ni Tricia ang kanyang hilig sa paglalaro ng volleyball at maging isang sikat na atletang pinoy.

Photo credits: Tricia Santos | IG

Noong high school pa lamang siya, ay isa na siyang athlete sa Ateneo de Davao University. Noong 2013, nakapaglaro siya sa UAAP sports competition na naging bahagi siya ng Golden Tigresses ng University of Santo Tomas. At taong 2105, ang kanyang naging huling laban bilang Lady Blazers sa De La Salle-College of Saint Benilde.

Photo credits: Tricia Santos | IG

Sa isang panayam ng PEP.Ph sa dalaga noong 2015, ay ibinahagi niya ang kanyang mga plano para sa kanyang future. Dito nasabi niyang sa maikling panahon na pananatili niya sa showbiz ay nakaranas di-umano siya ng depresyon. Naging usap-usapan kasi noon na siya ay nagkaroon umano ng anorexia na agad niya naman itong itinanggi. Ang kanyang pinagdaanan ay isang depresyon lamang, hanggang sa nalabanan niya ito at totally naka-recover siya.

Photo credits: Tricia Santos | IG

“I’m trying to focus more on my sports now that I’m out of showbiz.” “And I want to improve more on volleyball.” “Kasi couple of years ago, I suffered in depresyon and everybody knows na I got really thin and there were anorexia humors about me.”

“I think it’s a time to show people that I already recovered from it.” “And to show other girls who were suffering from depresyon that they can recover from it.”

Photo credits: Tricia Santos | IG

Kaya naman marami ang nagulat sa kanyang tinahak na karera. Hindi aakalain ng lahat na siya ay magiging isang atleta. Hindi lang ang kanyang pagiging mahusay na atleta ang kanyang ipinakita sa publiko pati na rin ang kanyang pagiging sexy and fit na modelo. Isa na si Tricia sa mga magaganda at napaka-sexy na modelo ng FHM.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *