Dating PBB Housemate na si Baninay Bautista, sobrang kinilig sa naging sorpresa sa kaniya ng boyfriend niyang si Bon Bryan Oropel

Si Baninay Bautista ay nakilala sa pagiging adult housemate ng reality show na “Pinoy Big Brother Lucky 7”. Isa sa mga personality ni Baninay ang kaniyang pagiging jolly na siyang nagustuhan sa kaniya ng mga tv viewers. Nagmula si Baninay sa mahirap na pamilya, kaya ang isa sa mga goal niya nang sumali siya PBB ay ang matulungan ang kaniyang pamilya sa hirap na kanilang pinagdaanan. Hindi man nasungkit ni Baninay ang pagiging isang big winner, hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa na makakamit niya ang kaniyang pangarap para sa kaniyang pamilya.

Photo credits: google.com

Kaya ngayon isa na sa mga sikat na Youtube vlogger si Baninay kasama ang kaniyang boyfriend na si Bon Bryan Oropel. Kamakailan nga lamang ay naging usapan-usapan ang naging break-up ng dalawa noong lamang Pebrero. Kaya naman marami ang nanghinayang sa 2 taon nilang pagsasama. Lalo pa’t marami silang mga supporters na talagang nag-aabang sa kanilang relasyon.

“Love na Love ko siya pero dadating din pala kayo sa point na hindi na kayo magkakaintindihan, na hindi mo alam kung anong nangyaring mali pero alam mong mali…Alam mong may bago. Hindi alam kung ano’ng point sa relationship, pero alam ko na may problema na kami”, ayon pa kay Baninay.

Photo credits: Baninaybautista | IG

Pero sabi nga ng iba, “Love is sweeter in a second time around”. Kaya naman sa kanilang latest post sa kanilang Instagram, makikita na sila ay nagkaayos at nakabalikan na. Sa kanilang post, makikita na sila ay masayang nagcelebrate ng kanilang anniversary. Pinatunayan ng dalawa na kahit anumang pagsubok ang dumaan sa kanilang relasyon sila ay nanatiling naging matatag.

What did I do to deserve you? 😢❤️ Grabe ka talaga Master Hokage!! Iba ka talaga magsurprise! 🖤 Happy anniversary sa atin. Love na love kita!! 😘 Yung akala ko sobra sobrang bongga na, pero may ibobongga pa pala!! ✨ Hindi ko inaasahan na sa tanang buhay ko maeexperience ko yung pa-fireworks! 😭 OMG!!! wika pa ni Baninay.

Kitang-kita naman sa mga post ni Baninay, na talagang kinikilig siya ng sobra sa sorpresa sa kaniya ni Bon Bryan. Ipinakita ng dalawa ang kanilang tunay na pagmamahalan sa kabila ng mga intrigang kanilang pinagdaanan.

Photo credits: Baninaybautista | IG

Kaya ang kanilang mga supporters ay kinilig din!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *