Connect with us

Entertainment

Couple sa Dubai, Ibinahagi ang Napakagandang DIY Aesthetic Wedding Set Up sa Loob ng Kanilang Tahanan sa Budget na P40,000

Ang kasal ay isa sa pinakamahalagang yugto ng ating buhay na minsan lang mararanasan. Kaya naman, ito’y talagang pinag-iipunan at pinaghahandaan dahil ang nais nga ng ilan, ay isang engrandeng seremonya.

Ngunit, sa pagdating ng pandemya, ay tila nagkaroon rin ng hadlang sa pangarap nating engrandeng kasal, dahil na rin sa ipinagbabawal ang malakihang salo-salo bilang nagtupad sa safety protocols.

Dahil dito, ay nasubok ang pagiging malikhain ng bawat isa, upang makamit ang hindi man engrandeng kasalan, pero masasabing talagang napakaganda. Ngayon nga, ay lumalabas ang pagiging creative, resourceful at pagiging matipid ng ilan para lamang makalikha ng mala-fairy tale na set up ng kasalan sa loob ng tahanan.

Photo Credits: Hanadee Marohomsar 

Katulad na lamang nga ng couple mula sa Dubai na sina Camille Alicando isang stylist, at Ben Gendrano, isang digital content creator at kilala rin bilang Emic Works. Ang magkasintahan ay obligadong ikansela ang kanilang 40-guest hotel reception, dahil na rin sa ipinapatupad na safety protocols at nagpasya na magkaroon na lamang ng isang civil wedding ceremony sa loob ng kanilang tahanan.

Photo Credits: Hanadee Marohomsar 

At sa hindi inaasahan, ay talagang nakamit nila ang pangarap na kasal sa tulong ng kanilang mga kaibigan. Ang mga kaibigan ni Camille at Emic, ay walang anumang karanasan sa wedding events o sa pagdidisenyo ng venue. Ngunit nagawa ng mga itong maging mala-fairy tale ang set up ng living area ng kanilang tahanan kung saan ay may rustic, bohemian picnic area, throw cushions, potted plants, at fairy lights.

Photo Credits: Hanadee Marohomsar 

Pagbubunyag naman ni Camille, ay ipinagkatiwala nila ni Emic sa kanilang mga kaibigan ang magiging set up ng kanilang wedding. Iniwan nga nila ang mga ito sa kanilang bahay, at pansamantalang tumuloy sa hotel upang magawa ng mga ito ang nais na disenyo ng hindi nila nakikita ang proseso at final look nito.

Photo Credits: Hanadee Marohomsar 

“None of [our friends] are working in events nor in weddings. They are normal people with very creative minds. It was the day before the wedding when they asked me and my husband to book a hotel room for the day so they could decorate the house without us seeing the process and the final look.”

At nang masilayan nga ang resulta, ay ganun na lamang ang kanilang paghanga, at pagkagulat dahil sadyang napakaganda nito. Si Camille nga, ay halos maiyak sa tuwa matapos makita ang ginawa ng kanilang mga kaibigan.

Photo Credits: Hanadee Marohomsar 

“When we saw our house, we were both astounded by the beauty and I nearly cried.”

Dahil ito ay araw ng bride na si Camille, ay makikita rin kung gaano siya kaganda sa suot niyang Zara white suit na pinaresan ng simpleng accessories at make up na bumagay sa mala-fairy tale set up ng kanilang kasal. Matapos nito, ay nagpalit naman siya ng isang ruffled burnt-orange top at dark trousers.

Photo Credits: Hanadee Marohomsar 

Hindi man engrande ay makikita naman ang kaligayahan nina Camille at Emic dahil naging matagumpay ang kanilang pag-iisang dibdib sa tulong ng kanilang mga kaibigan. Ang napakagandang set up nga ng kanilang kasal ay may kabuuang halagang gastos na P40,000. At ito ay dahil sa pagiging creative, resourceful at matipid ng kanilang mga kaibigan.

error: Content is protected !!