Entertainment
Batang 9-Taong Gulang Matiyagang Nagtatrabaho Bilang Isang Maskot Na Naglalakad ng 10km Kada Araw Para Lamang Makatulong sa Pamilya

Sa panahon ngayon ay ramdam na ramdam ng marami sa atin ang labis na kahirapan ng buhay kaya naman ang iba ay kanya-kanyang diskarte upang sa kahit na sa simpleng paraan na may maliit na kita ay magawang mairaos kahit ang pang-araw araw lamang.
At dahil din sa labis na kahirapan na nararanasan ng matami sa atin ngayon, maging ang mga batang nasa murang edad pa lamang ay napipilitan na ang kumayod at magbanat ng buto pang makatulong lamang sa pamilyang naghihikahos.
Katulad na nga lamang ng sitwasyon ng batang na maagang namulat sa kahirapan ng buhay, at sa mura nga niyang edad ay nagawa ng magtrabaho.
Nito nga lamang nakaraan ay kumalat at naging viral sa social media ang larawan ng isang bata na kinilalang si Rehan. Kung saan ang naturang larawan umano ay kinunan ng lalaki na naawa sa bata dahil sa imbis ngang sa edad nito na 9-taong gulang ay pag-aaral at paglalaro ang dapat pinagkakaabalahan nito ay nagtatrabaho ito sa lansangan upang kumita at nang makatulong sa pamilya.
Sa Instagram post na may username na rhamdi, ay makikita ang naging pagbabahagi nito ng buhay ng batang si Rehan. Ayon dito maaga gumimigising ang bata, dahil sa naglalakad ito ng 10km kada araw para lamang makarating sa kanyang pinagtatrabahuan. Ang trabaho nga ng naturang bata ay ang pagma-mascot o kung tawagin ng iba ay street clown.
Ang ginagawa nga umano ng batang si Rehan sa kanyang trabaho , ay ang magbigay aliw sa mga taong naiipit sa trapiko at naiinip, katulad na nga lamang ng mga driver at empleyado na pumapasok sa kanilang mga trabaho.
Ayon naman sa batang si Rehan, upang makuha ang atensyon ng mga tao sa kalsada ay ginagawa niya ang lahat na makakapagbigay aliw sa mga ito. Dagdag pa niya, iba-iba rin umano ang mascot costume na kanyang sinusuot, kung saan ilan nga sa mga ito ay sina Upin and Ipin, Dora, Spongebob Squarepants at marami pa ngang iba.
Kuwento pa niya, kaya siya nagtatrabaho ay para may pandagdag sa pangtustos sa kanyang pag-aaral at makatulong siya sa renta ng kanilang bahay. Kung kaya kahit mahirap, ay talagang nagtitiiis siya upang makapagtapos siya ng pag-aaral.
Ibinahagi rin ni Rehan na hindi naman kalakihan ang kanyang sinasahod sa trabaho niyang pagma-mascot, ngunit para umano sa kanya ay malaking bagay at tulong na ito dahil kahit papaano ay nakabibili siya ng bigas para sa kanilang pamilya.
Nabanggit din niya na nagtatrabaho rin naman ang kanyang ina, ngunit hindi sapat ang kinikita nito para sa iba pang gastusin nila, dahil halos pambayad lang sa upa ng bahay ang sahod nito.
Sa kabila ng nakakapagod na trabaho at araw araw niyang paglalakad ng 10km para makarating sa trabaho, ay masaya naman umano si Rehan, dahil kahit pagod ay nakakatulong naman siya sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang ina.
Kaya din maaga siyang pumapasok sa trabaho ay upang makaiwas sa trapik. Maaga rin naman umano siyang umuuwi, para kahit paano ay may mailaan pa rin siyang oras sa paglalaro ng paborito niyang sports na football.
View this post on Instagram
Base sa ilang mga ulat nagtatrabaho sa Jalan Gatot Subroto, sa South Kalimantan, Indonesia ang 9-taong gulang na batang si Rehan.
Tunay namang kahanga-hanga si Rehan, dahil sa murang edad niya ay responsable na siyang nakakapag-isip kung paano niya matutulungan ang kanyang ina sa pang-araw araw na buhay nilang magpamilya.
