Bahay ni Beauty Gonzales nag Ala Mini Museum Dahil sa mga Koleksyon nitong Artworks, Artifacts, Antiques at Religious figures

Isa sa mga sikat na artista ngayon sa mundo ng showbiz ay si Christine Marie Gonzales-Crisolog o mas kilala sa kanyang stage name na Beauty Gonzalez. Si Beauty ay nagmula sa Dumaguete City sa Negros Oriental.

Photo credits: Beauty Gonzales | IG

Pinasok ni Beauty ang mundo ng showbiz noong 2008 matapos syang pumasok sa reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother kung saan naging housemate siya ni Kuya. Nakuha ni Beauty ang ika-4 na grand placer sa Pinoy Big Brother Teen Edition kung saan dito pa sya nagsimulang sumikat at mas naging matunog ang pangalan sa mundo ng showbiz.

Pagkalabas na pagkalabas ni Beauty sa bahay ni kuya, dito na umulan ang proyekto sakanya kung saan lumabas sya sa ibang ibang drama series katulad ng (Iisa Pa Lamang, Tayong Dalawa, Angelito: Batang Ama, Honesto, Moon of Desire, Maria Mercedes) at drama anthologies na (Maalaala Mo Kaya, Ipaglaban Mo).

Naging leading lady din sya ng aktor na si Zanjoe Marudo sa hit teleserye noong 2014 na Dream Dad. Nahinto at nagpahinga naman si Beauty sa kanyang showbiz career noong nagkaroon sila ng anak ng kanyang non-showbiz partner na si Norman Crisiologo na pinangalanan nilang si Olivia Ines.

Photo credits: Beauty Gonzales | IG

Ayon kay beauty nakilala nya ang kanyang asawang si norman dahil sa kanyang bestfriend na si Ellen Adarna noong 2014. Nag desisyon naman magpakasal ang dalawa noong May 6, 2017 sa tagaytay city. Isang taon makalipas ang kanilang kasal ay agad sila nagkaroon ng anak at ito nga ay si Olivia Ines.

Photo credits: Beauty Gonzales | IG

Noong mga panahong nag bubuntis si Beauty ay nag desisyon ang mag-asawa na lisanin ang kanilang condominium sa manila at naghanap ng malaking bahay para sa kanilang lumalaking pamilya. Luckily nakakita ng maganda at malaking bahay si Norman at Beauty sa isang village na matatagpuan sa South ng metro manila.

Nang makalipat ang mag-asawa, ipinasilip ni ng aktres ang kanilang napakagandang bahay isang video vlog na nai-shared noong July 26 na may title na “Beauty Gonzales House Tour”.

Ang nasabing vlog na ito ay ang vlog nila Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri at Seth Fedelin na tinawag nilang Gold Squad.

Photo credits: The Gold Squad | Youtube

Photo credits: The Gold Squad | Youtube

Photo credits: The Gold Squad | Youtube

Makikita sa video na ang loob ng tahanan ni beauty ay nagmukang mini-museum dahil sa mga artworks, artifacts, antiques, religious figures at kung ano ano pang disenyo na nagbigay ganda sa bahay.

Photo credits: Beauty Gonzales | Youtube

Photo credits: Beauty Gonzales | Youtube

Ipinasyal din ni beauty ang mga young co-stars nya sa ibat-ibang parte ng kanilang bahay at ipinakita nya din ang kanyang mga art at comic books collections. Ayon kay beauty na hilig niya ang magbasa ng libor dahil bata palang sya ay nagbabasa na sya.

Photo credits: Beauty Gonzales | Youtube

Talagang kamangha mangha ang loob ng tahanan ni Beauty kung saan buhay na buhay dahil sa ibat-ibang paintings na nakasabit dito.

Photo credits: Beauty Gonzales | Youtube

Mas naging makulay ang kanyang living room dahil sa mga artwork na nakasabi na ang ilan dito ay siya mismo ang may gawa.

Photo credits: Beauty Gonzales | Youtube

Photo credits: Beauty Gonzales | Youtube

Photo credits: Beauty Gonzales | Youtube

Photo credits: Beauty Gonzales | Youtube

Photo credits: Beauty Gonzales | Youtube

“Noon bata pa kasi ako, I love reading books. I love educating myself [about] fashion, antiques, and interior.” pagbabahagi ng aktres.

Ibinahagi din ni beauty kung ano nga ba talaga ang artwork para sakanya,

“Art is something that has to get your attention. It has something that will strike something in you. It has something that you will love,” ibinahagi nito.

Photo credits: Beauty Gonzales | Youtube

Narito at panoorin ang actual video ng napakagandang bahay ni Beauty Gonzales.

Conversations with Beauty Gonzalez

GOLD SQUAD EXCLUSIVE! BEAUTY GONZALEZ HOUSE TOUR | The Gold Squad

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *