Bahay ng Aktres na si Beauty Gonzales Nagmistulang Mini Art Museum Dahil sa Dami ng Koleksyon nitong Artworks, Artifacts at Religious Figures

Marami ang pinahanga ng aktres na si Beauty Gonzales sa kanyang husay sa pag-arte matapos gumanap sa teleseryeng “Kadenang Ginto”. Kilala naman si Beauty sa kanyang tunay na pangalan na Christine Marie Gonzales-Crisolog na talagang isa sa mga hinahangaan at tinitingalang aktres sa industriya ng showbiz.

Unang nakilala ng publiko ang tubong Dumaguete City mula sa Negros Oriental na si Beauty Gonzales, nang mapabilang sa housemate ng Bahay ni Kuya sa reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother noong 2008. At dahil nga sa kanyang taglay na husay, at ipinamalas na kakayahan ay siya ang itinanghal na 4th grand placer ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus.

Sa pagsisimula ng matagumpay na karera ni Beauty sa showbiz ay talagang inulan siya ng napakaraming proyekto. Nakatambalan naman niya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa teleseryeng Dream Dad noong 2014. Ngunit, pansamantalang nahinto si Beauty sa pag-aartista nang magbuntis siya sa panganay na anak nila ng kanyang non-showbiz husband na si Norman Crisolog na pinangalanan nilang si Olivia Ines.

Samantala, habang nagbubuntis si Beauty ay nagpasya ang mag-asawang lisanin ang tinitirhang condo upang lumipat sa isang mas malaki at mas magandang tahanan na matatagpuan sa South ng Metro Manila.

Photo credits: Ria Prieto | Youtube

Ang tahanan ngang ito na nagmistulang mini art museum ay ipinasilip ni Beauty sa kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng vlog ng content creator na si Ria Prieto.

Photo credits: Ria Prieto | Youtube

Bago simulan ang house tour ay nagkaroon muna ng maikling kwentuhan sina Beauty at Ria. At nang libutin na nga ang bahay na ito ni Beauty, ay mapapansin na mahilig talaga ang aktres sa malikhaing sining. Masasabi nga na isang maliit na museum ang bahay ng aktres sa dami ng makikitang iba’t ibang klaseng obra.

Photo credits: Ria Prieto | Youtube

Sa bawat sulok nga ng bahay ay may makikitang kahanga-hangang artworks, artifacts, antiques, religious figures at iba’t ibang klase ng disenyo na nagbigay ganda sa bahay.

Photo credits: Ria Prieto | Youtube

Inisa-isa naman ni Beauty ang pagpapaliwanag kay Ria sa mga makikitang obra sa loob ng kanilang bahay. Ayon nga sa aktres, ay mahilig umano sila ng kanyang asawang si Norman na mangolekta ng mga kakaibang bagay at artworks.

Photo credits: Ria Prieto | Youtube

Maging sa silid ng kanilang anak ay masisilayan rin ang iba’t ibang klase ng painting na mismong ito ang may likha. Hindi naman maikakaila na maging ang kanilang anak ni Norman ay mahilig rin sa arts.

Photo credits: Ria Prieto | Youtube

Ipinakita naman ni Beauty ang curiosity cabinet ng kanyang asawa. At dito naman ay sinabi ni Ria, kung wala bang multo sa bahay nila. Dahil nga raw, kapag may mga old collectibles sa bahay, ay malapit nga raw sa mga multo. Ngunit, paglilinaw naman ni Beauty ay wala naman umanong multo sa bahay nila.

Photo credits: Ria Prieto | Youtube

Photo credits: Ria Prieto | Youtube

Sa kabuuan nga, bagama’t kakaiba ang makikitang disenyo sa bahay ni Beauty, ay makikita namang napakaganda at classy itong tingnan.

Conversations with Beauty Gonzalez