Connect with us

Entertainment

Ate Shawie, Ipinasilip at Nagbigay ng Update sa kanyang Mega Laking Bahay na Ipinapagawa nila ng kanyang Asawang si Kiko Pangilinan

Sa kabila ng pandemyang patuloy na lumalaganap sa ating bansa na ating kinakaharap sa ngayon, ay tuloy-tuloy naman ang pagiging abala ni Mega Star Sharon Cuneta sa pagpapagawa ng kanilang future home ng kanyang pamilya.

Makikita sa Instagram account ni Mega nito lamang nakaraan ang naging pagbabahagi niya ng update sa konstraksyon ng ipinapagagawa niyang bahay, kung saan ayon nga sa kanya halos kalahati nito ay para sa kanyang mga libro, damit, dressing room at ang kanyang recording studio.

“House Construction Update: Basement parking done. Ground floor being worked on now on the Family house wing. This is our half of our whole house. They are now excavating and starting on the other half of the house, which is my wing”, ang naging caption ni Mega.

Ayon nga kay Sharon tapos na ang basement parking ng ipinapagawa nilang bahay, at sa kasalukuyan ay ginagawa na ang ground floor ng kanilang family house wing, kung saan ang bahagi na ito ay ang kalahati ng kabuuan ng bahay.

Ibinahagi pa niya na ang ang magiging floor area ng kabuuang bahay na kanyang ipinapagawa ay nasa 2,300 sq. meters at ito nga ay nakatirik sa lupain na may sukat na 3,000 sq. meters.
Dagdag pa niya, maglalagay din sila ng swimming pool sa bagong bahay nilang ito, kung saan dapat nga ito ay isang infinity pool, ngunit napagdesisyunan nila na gayahin na lamang ang disenyo ng swimming pool nila sa bahay nila sa Calabasas, California dahil sa gustong gusto ‘yon ng kanyang mga anak.

Samantala, ayon pa kay Sharon ay mayroon ding dog house siyang ipagagawa para sa kanyang mga alagang aso.

Chika pa ng Mega Star ay mayroong mga solar panels ang magiging bagong bahay nila, maliban pa dito mayroon din itong rainwater-collecting tanks.

Dahil sa mala-mall nga ang laki ng ipinapagawang bahay na ito ni Sharon, ay sinabi rin niya na marahil ay aabutin pa ng isang taon bago tuluyang matapos ang kabuuang konstraksyon nito.
Para naman sa kaalaman ng lahat, ang mala-mall sa laki na bahay na ito ni Mega ay dinesenyo ng arkitektong si Conrad Onglao, ang partner ngayon sa buhay ng kaibigan niyang si Zsazsa Padilla.

error: Content is protected !!