Angeline Quinto, Naging Emosyunal Nang Ibahagi ang Hirap na Naranasan Matapos Magpositibo sa COVID-19

Ngayong panahon ng pamdemya, ay napakahalaga na mapangalagaan natin ang ating kalusugan. Kaya naman, talagang doble ingat ang ginagawa ng marami upang makaiwas sa kumakalat na sakit na COVID-19.

Photo Credits: Youtube.com | Angeline Quinto

At bilang pagsunod nga sa safety protocols ay makikita na nagsusuot ng facemask, at faceshield ang marami. May ipinatupad ring social distancing at pagbabawal sa mass gathering. Ngunit sa kabila ng paghihigpit at matinding pag-iingat, ay patuloy ang pagdami ng mga kasong nagpopositibo sa COVID-19.

Photo Credits: Youtube.com | Angeline Quinto

Isa nga sa hindi inaasahang nagpositibo sa nakakahawang sakit na COVID-19, ay ang singer na si Angeline Quinto. At ang hirap na kanyang naranasan ay ibinahagi niya sa kanyang latest vlog. Nito lamang Abril 1, ay ibinahagi ni Angeline sa kanyang Youtube channel ang video kung saan mapapanood ang kanyang pakikipaglaban sa COVID-19 sa loob ng pitong araw.

Sa footage ng video na kuha noong Marso 26, ay sinabi ni Angeline na may nakasalamuha siyang nagpositibo sa COVID-19. Ito nga ay matapos dumalaw ang isa niyang kaibigan na positibo pala sa COVID-19, at kumain pa umano sila ng sabay.

Photo Credits: Youtube.com | Angeline Quinto

Dahil dito ay agad na nagpa-RT-PCR test at nag-isolate ng kanyang sarili sa kanyang silid habang hinihintay ang resulta ng test. At kinabukasan, Marso 27, ay napag-alaman na positibo siya sa COVID-19 matapos lumabas ang resulta ng test.

Matapos malamang positibo siya ay unti-unti na ring lumalabas ang sintomas ng sakit. Ilan nga sa kanyang naranasan ay diarrhea, lagnat, at kawalan ng pang-amoy. May ginagamit naman si Angeline upang manonitor ang oxygen level ng kanyang katawan. At makikita naman na ang kanyang paghinga at oxygen level ay maayos pa naman.

Photo Credits: Youtube.com | Angeline Quinto

Makikita sa video na habang nakaquarantine ay ipinakita ni Angeline ang kanyang routine upang mapanatilng malakas ang kanyang katawan para malabanan ang sakit. Mula sa pagkain, pag-inom ng gamot, pag-monitor sa kanyang oxygen level at temperature at, pag-gargling para guminhawa ang kanyang lalamunan.

Hindi naman maiwasan ni Angeline ang maging emosyunal sa video habang nagkwikwento ng kanyang karanasan. Ang ma-isolate nga, ay talagang hindi niya inaasahan. Ayon kay Angge, ay hindi siya sanay lalo na’t marami siyang dapat gawing trabaho.

Photo Credits: Youtube.com | Angeline Quinto

Pagsapit ng Marso 28, ikatatlong araw ng quarantie ay nawala ang panlasa ni Angge. Dahil nga, nakahalubilo niya ang ilan sa kasama niya bahay, ay nagpa-swab test rin ang mga ito. At paglabas ng resulta noong Marso 29, ay mabuti na lamang at negatibo ang resulta ng lahat na kanyang nakahalubilo.

Laking pasasalamat ni Angge dahil wala siyang nahawa sa kanyang mga kasama. Sa isang linggong pakikipagsapalaran sa sakit, ay pinapalakas naman ng singer ang kanyang loob sa pamamagitan ng matinding pagdarasal. Kahit papano rin ay nakikipag-usap siya sa kasama niya sa bahay sa bintana ng kanyang silid. Naglalaan rin ng oras si Angge na masikatan man lang ng araw, sa pamamagitan ng liwanag na nagmumula sa labas ng bintana.

Photo Credits: Youtube.com | Angeline Quinto

Hindi man madali ang pinagdadaanan, ay patuloy na naging matatag si Angge at patuloy ang kanyang pagdarasal ng kanyang kagalingan. At nito lamang ika-1 ng Abril, ay ibinalita nga ng singer sa kanyang vlog na unti-unti nang bumabalik ang kanyang panlasa sa tulong ng pagkain niya ng lugaw.

Photo Credits: Youtube.com | Angeline Quinto

May natitira pang 7 days si Angeline para mag-quarantine at magpagaling sa sakit bilang pagkompleto sa 14 days quarantine. Nangako naman ang singer na muling magbibigay ng update sa kanyang sitwasyon matapos ang 7 araw sa pamamagitan ng kanyang vlog.

My COVID-19 Journey | Love Angeline Quinto