Andi Nakipag Bonding kay Lilo sa Pamamagitan ng Pag-babasa at Pagkukulay, Habang si Philmar naman ay Surfing ang Bonding time kay Lilo

Ang pamilya ni Andi Eigenmann at partner nitong si Philmar Alipayo, ay masayang naninirahan ngayon sa isla ng Siargao kasama ang kanilang mga anak. Hindi naman nakapagtataka na sa murang edad, ay tila hilig na rin ng anak nilang si Baby Lilo ang surfing, na tulad ng kanyang ama na isang mahusay na surfer, ay agad ring matuto si Baby Lilo ng nasabing sport.

Madalas ibahagi ni Andi ang iba’t ibang aktibidad ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng mga vlog na mapapanod sa Youtube Channel ng kanilang pamilya. Kabilang na nga rito, ang pangkaraniwang ginagawa ng kanilang pamilya sa maghapon. At sa latest vlog nga kamakailan, ay ipinasilip niya ang pinagkaabalahan ng kanilang pamilya sa araw na iyon.

Sa unang bahagi ng video, ay makikita na nagsimula ang araw ni Andi sa pagbabantay at pag-aalaga sa isang taong gulang na si Baby Lilo, at kay Baby Koa na tatlong buwang gulang. Makikita nga na abala ang mag-inang Andi at Lilo sa pagbabasa ng libro at pagkukulay. Ayon naman kay Andi, ang kanyang soon to be husband na si Philmar, ay maagang nagsurfing.

Photo credits: Happy Islander | Youtube

Pagbabahagi naman ni Andi, bagama’t ganap na silang mga magulang, ay hinahayaan parin nila ang isa’t isa na gawin ang mga bagay na nakahiligan, o interes ng bawat isa na nagpapasaya sa kanila.

Photo credits: Happy Islander | Youtube

“We both have our own thing aside from being parents. ‘Di namin kakalimutan ‘yung sarili naming hobbies and interests. And we both give each other the chance to still be able to do that,” ani Eigenmann

Matapos namang mapatulog ni Andi si Baby Koa, at makabonding si Baby Lilo, ay ang mag-amang Baby Lilo at Philmar naman ang masayang nagbonding. Isinama nga ni Philmar si Baby Lilo sa dagat para magsurfing. At makikita naman na talagang lakas-loob na dumapo at tumayo ang munting bata sa surfing board kasabay ng mga baby waves habang inaalalayan ni Philmar.

Photo credits: Happy Islander | Youtube

Tuwang-tuwa naman si Baby Lilo sa ginagawa nila ng kanyang Daddy Philmar kung saan ay hindi man lang mabakas ang takot sa mukha, kundi ang tanging makikita ay ang masaya nitong ngiti.

Photo credits: Happy Islander | Youtube

Matatandaan naman na hindi ito ang unang beses na nag-surfing si Baby Lilo kasama ang kanyang ama. Dahil noong 10 months old pa lamang siya, ang unang beses na sumampa siya sa surfing board.

Fun surf session for papa & Lilo, and other activities we did this week with the kids!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *