Anak ni Action Star Jeric Raval na si AJ Raval, May Pa-room Tour sa Kanyang Simpleng Kwarto

Marami humanga sa kilalang action star na si Jeric Raval noong dekada 90 na hindi lamang husay sa pag-arte ang taglay, kundi may angking napakagwapong mukha at makisig na katawan. Dahil sa magandang katangian na ito ni Jeric ay naging habulin siya ng mga kababaihan, kung saan ay nagkaroon siya ng maraming anak sa iba’t ibang babae.

Isa na nga rito ang 26 taong gulang na si AJ Raval na anak ni Jeric kay Alyssa Alvarez. Hindi naman maitatanggi na napakaganda ni AJ na walang duda na nagmana sa kanyang mga magulang.

Photo credits: ajravss | IG

Samantala, hindi lamang looks ang nakuha ni AJ sa kanyang ama kundi pati na rin ang husay nito sa pag-arte. At sumunod na rin ito sa yapak ng kanyang ama na sumabak sa pag-aartista. Ngayon nga, ay hinahangaan na rin ng marami ang husay ni AJ sa pag-arte. Sa katunayan nga nito, ay may bago siyang pelikulang pagbibidahan kasama ang aktor na si Diego Loyzaga, ang “Death of a Girlfriend”.

Photo credits: ajravss | IG

Maliban naman sa pagiging abala sa showbiz bilang aktres, ay abala rin si AJ sa kanyang vlogging career. At kadalasan nga, ay dito niya ibinabahagi ang mga kaganapan sa buhay niya.

Nito lamang ika-15 ng Abril sa vlog na mapapanood sa kanyang Youtube channel, ay pinagbigyan ni AJ ang hiling ng kanyang mga tagahanga na masilip ang kanyang kwarto.

Photo credits: Aj Raval | Youtube

Photo credits: Aj Raval | Youtube

Bungad nga ni AJ, ay napakasimpleng tao lamang niya kung saan ay hindi siya mahilig sa mga “girly things”. Makikita naman sa loob ng kanyang silid ang kasimplehan na nagpapakita ng kanyang personality.

Photo credits: Aj Raval | Youtube

Dahil nga, hindi naman mahilig si AJ sa mga gamit pambabae, ay kakaunti lamang ang mga kagamitang makikita rito.

Photo credits: Aj Raval | Youtube

Photo credits: Aj Raval | Youtube

Ang bawat gamit naman ay maayos na nakasalansan sa kani-kanilang lagayan. Makikita rin siyempre sa loob ng silid ang kama at may computer at laptop rin si AJ sa kanyang silid. Ayon nga sa aktres, ay dito na rin siya nanonood ng mga pelikula sa NetFlix.

Photo credits: Aj Raval | Youtube

Photo credits: Aj Raval | Youtube

May mga lagayan rin ang mga gamit na hindi na niya ginagamit. Ipinakita naman ni AJ ang lumang larawan nila ng kanyang amang si Jeric noong maliit na bata pa lamang siya.

Masaya naman si AJ dahil ngayon nga, ay nasilip na ng kanyang mga tagahanga ang kanyang kwarto na napakasimple lamang. Mas lalo namang hinangaan si AJ dahil wala itong kaarte-arte sa katawan, at talagang napakasimple lang nito.

Room Tour - Aj Raval

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *