“Amazing Tata” Mommy Anne Curtis, Ibinahagi sa Kanyang IG Post ang Masayang Pakikipagbonding ng Anak Niyang si Baby Dahlia sa Tita Jasmine Nito

Maliban sa playmate ni Baby Dahlia na si Tili, ang kanyang pinsan ay tila mayroon na naman nga itong bagong kalaro na nakasama niya ng halos isang buon araw. At ito nga ay ang kanyang Tita Jasmine Curtis, ang kapatid ng kanyang mommy na si Anne Curtis.

Nito nga lamang nakaraan, ay masayang ibinahagi ni Mommy Anne Curtis sa kanyang Instagram account ang naging masayang pakikipag-bonding at pakikipag-laro ng kanyang anak na si Baby Dahlia sa Tita Jasmine nito.

Sa isang IG post nga ng celebrity mom, ay kanyang ibinahagi ang isang video kung saan ay makikitang magkasama at naglalaro ng lutu-lutuan ang mag-tita sa loob ng white playhouse ni Baby Dahlia.

Photo credits: Anne Curtis | IG

Ang naging bonding nga ng mag-tita ay ang paglalaro ng lutu-lutuan kung saan ay ginamit nila ang mini kitchen na regalo ni Jasmine kay Dahlia nung nagdiwang ito ng isang taong kaarawan.
Tila nga naman nagustuhang gayahin ni Baby Dahlia ang hilig ng kanyang amang si Erwan sa pgluluto sa kusina, kaya naman makikita nga sa munting bata na enjoy na enjoys siya sa ginagawa nila ng kanyang tita Jasmine na larong lutu-lutuan.

Photo credits: Anne Curtis | IG

Kalakip nga ng naturang video na ito na ibinahagi ni Anne ay ang kanyang caption, kung saan ay pinasalamatan niya ang kapatid na si Jasmine sa isang araw na naging pag-aalaga nito kay Dahlia, ito nga ay dahil sa abala ang celebrity mom sa kanyang mga zoom meetings.

“#iDontSayThisEverydayBut thank you to my sestra for being an amazing Tata. Whenever I have a day full of zoom meetings or one of the rare days I go out to work or may it be just any random day.”

Dagdag pa niya,

“I appreciate you coming to play house or lutulutuan and yes, even magic magic [laughing emoji] with Dahlia. Love you sestra @jascurtissmith [sending kiss emoji].”

Ayon nga kay Anne ay hindi lamang paglalaro ng lutu-lutuan ang naging mag-bonding ng mag-tita na sina Jasmine at Dahlia, dahil naglaro din ang mga ito ng magic tricks.

Samantala, sa IG story naman ni Jasmine ay kanyang ibinahagi ang naging post ni Anne, at ito nga ay kanyang nilagyan ng caption na “Favorite Role”. Tila nga enjoy at masaya si Jasmine sa ginawa niyang pakikipaglaro kay Baby Dahlia.

Ikinatuwa naman ng mga netizens ang bonding time na ito ng mag-Tita, kaya naman narito nga ang ilan sa kani-kanilang mga naging komento;

“Cuuuteeee [three red heart emoji].
“ang cute naman ng cubby house ni baby girl”
“OMG Dahliaaaa”
“Ay ang cute naman [three heart red emoji].”