Alice Dixson, Matagal Nang Plano ang Magkaroon ng Sariling Anak, Sumubok Na rin ng Maraming Paraan

Hindi matawaran ang kaligayahan ng aktres na Alice Dixson matapos dumating sa buhay niya ang isang biyaya na matagal na niyang ipinagdarasal. Ito nga ay ang pagkakaroon ng anak, sa edad na 51 taong gulang.

Nito lamang ika-2 ng Abril taong kasalukuyan ng gulatin ni Alice ang kanyang mga tagasuporta matapos niyang ianunsiyo na isa na siyang ganap na ina.

Ayon naman sa ulat ng Pep, ay hindi naging madali ang journey ni Alice at ng kanyang partner bago makamit ang hinahangad na magkaroon ng sariling anak. Matagal na kasi nilang plano ang magkababy ngunit hindi sila pinapalad.

Kaya naman, ang palaging dasal ni Alice sa tuwing sasapit ang kanyang kaarawan, ay biyayaan sila ng baby para maranasan na niya ang maging isang ina sa sarili niyang anak.

Photo credits: Alice Dixson | IG

Ngunit, dahil nga hindi sila makabuo kahit ilang ulit na silang sumubok, ay dumating rin ang puntong nagpa-freeze na si Alice noon ng egg cells niya at pati na rin ang sperm cells ng kanyang partner.

Dahi dito, ang nagpasya na sila at nagkasundo na humanap na lamang ng magiging surrogate mother na siyang magdadala ng kanilang magiging anak. Inayos na nga ni Alice at ng kanilang mga kailangan para maging matagumpay ang proseso.

Photo credits: Alice Dixson | IG

Matatandaan nga na minsan ng ibinahagi ni Alice sa panayam ni Karen Davila sa ANC noong 2019 ang kanilang plano na kumuha ng surrogate mother para lamang magka-baby.

At nitong buwan nga ng Pebrero nang lumipad patungong Amerika si Alice upang asikasuhin ang panganganak ng surrogate mother na kanilang kinuha na kung saan ay kasalukuyang nasa Canada.

Ang proseso nga para magkaroon sila ng baby ay naging matagumpay. Makikita naman sa Instagram ni Alice, ang ibinahagi niyang larawan ng foot prints ng kanyang new born baby. Bagama’t, walang ibang ibinigay na detalye si Alice tungkol sa kasarian at pangalan ng kanyang anak, ay bakas naman sa mukha ng aktres ang saya at excitement.

Photo credits: Alice Dixson | IG

Samantala, sa ngayon ay hindi pa nakakabalik ng bansa si Alice, kaya naman para sa mga nagtatanong kung paanong nagkaanak si Alice, nang hindi naman nakitang nagbuntis, ay mas makakabuti kung mismong sa aktres magmula ang buong pahayag.

Marami naman sa mga kaibigan ni Alice sa showbiz ang masayang-masaya rin at nagpaabot ng pagbati sa bagong biyayang dumating sa buhay nila ng kanyang partner.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *