Connect with us

World

72-Anyos na Ginang Nagbigay Pag-asa sa mga Gustong Magkaanak Matapos Niyang Magkaroon ng Sariling Sanggol sa Kabila ng Kanyang Edad

Sa panahon ngayon ay kapansin-pansin na marami sa ating mga kabataan ang maagang nabubuntis at napapasok sa responsibilidad ng pagiging isang magulang. At marahil ang dahilan nito ay dahil na rin sa makabagong pamumuhay ng henerasyon ngayon.

Para nga sa karamihan ay isang biyaya ang pagdating ng sanggol sa kanilang buhay, ito ay pinagplanuhan man o hindi, dahil ito ay isang buhay na pinagkaloob ng Diyos na dadalhin nga ng isang babae sa kanyang sinapupunan ng halos siyam na buwan bago ito isilang at ganap na masilayan ang mundo.

Ngunit kalakip nga ng pagiging isang magulang ay ang responsibilidad na iyong gagampanan sa iyong mga anak.

Samantala, may iba nga na hindi pinapalad na magkaroon ng anak at ito ay may iba’t ibang dahilan. Ang iba ay dahil sa mayroong kakulangan sa kalusugan kaya hindi magkaroon ng anak at ang iba naman ay dala na rin ng katandaan.

Photo credits: google.com

Sa kabila nito ay ikinamangha naman ng marami at nagbigay pag-asa sa ibang mga may edad ng kababaihan ang pagkakaroon ng sariling supling ng 72-anyos na ginang mula sa bansang India. Nagawa kasi nitong magsilang sa kabila nga ng katandaan nito.

Ang ginang ngang ito ay kinilala na si Daljinder Kaur, ang ngayon nga ay tinaguriang pinakamatandang babae na nanganak sa buong mundo .

Photo credits: google.com

Ayon sa naging ulat, noon pa man ay pangarap na talaga ni Daljinder at ng kanyang asawa na magkaroon ng sariling anak ngunit tila nga ang pagsasama nilang mag-asawa ay sinubok ng pak dahil kung ano pa ‘yung bagay na gustong gusto nilang makamtan ay ‘yun pa ang hindi nila maisakatuparan..

Ilang taon rin sinubukan ng mag-asawa ang makabuo ng sanggol, ngunit tila nga mayroong problema kaya naman matapos ang 46-taon ay naisip nila na sumailalim na lamang sa IVF o In Vitro Fertilization.

Ang IFV ay ang makabagong siyensya ngayon na ginagawa upang magkaroon ng pag-asa ang mga hirap magka-anak na mabiyayaan nga ng anak. Sa prosesong ito ay kukuha ng sperm at egg cell sa lalaki’t babae at ito ay ilalagay sa uterus at dito na nga mabubuo ang sanggol.

Hindi naman ganun kadali ang proseso na ito dahil sa ito’y mabusisi at talagang malaking halaga ang kinakailangan.

At dahil nga sa kagustuhan ng mag-asawa na magkaroon ng sarili nilang anak, ay pinag-ipunan nila ng husto ang prosesong ito, kung saan nga ay halos tatlong beses nila itong ginawa. Makalipas nga ang dalawang taon ng pagtitiyaga ay naging matagumpay ang proseso na ito sa mag-asawa at sila nga ay nagkaroon na ng sariling anak.

Photo credits: google.com

Kahit pareho ng matanda ang mag-asawa ay labis naman ang kasiyahan nila sa pagdating ng kanilang baby boy.

Pinangalanan nga ng mag-asawa na Armaan ang kanilang anak, at ng isinilang nga umano ito ay may bigat itong 3.9 lbs.

Ayon mismo kay Daljinder isang masiyahin at malambing na bata ang kanilang anak na si Armaan kaya naman talagang mahal na mahal nila ito.

“I love him. He’s a friendly child and smiles at everyone. This makes things very easy for me because I can be at ease when someone is around”, ani Daljinder.

Dagdag pa niya, “I spend all day with him. We decided not to get any help. He loves his father a lot. He’s always in his farm if I’m busy cooking or doing housework.”

Tila isang milagro ngang maituturing ang nangyari na ito sa 72-taong gulang ng si Ginang Dalginder dahil sa talagang bibihira lamang ang ganitong pangyayari.

Pinagpapasalamat naman ng mag-asawa ang pagdating ng kanilang anak sa buhay nila, dahil ngayon ay masasabi nga nila na isa na silang masayang pamilya.

error: Content is protected !!